UAAP: BULLDOGS SINAKMAL ANG UNANG PANALO

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. – UST vs AdU (Men)
6:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men) (Adamson Gym)
8 a.m. – UST vs AdU (JHS)
9:45 a.m. – DLSZ vs Ateneo (JHS)
11:30 a.m. – UST vs AdU (Women)
1:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Women)

NALUSUTAN ng National University ang Far Eastern University, 62-60, upang makapasok sa win column sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Araneta Coliseum.

Si Mali’s Mo Diassana ay ‘out’ sa buong season dahil sa left knee injury at ang pagkawala ng foreign student-athlete ng Bulldogs ay naramdaman makaraang kumarera ang Tamaraws sa 24-9 first quarter lead.

“We were flat,” sabi ni NU coach Jeff Napa. “They realized na kailangang sumandal sa isa’t isa na wala si Mo.”

“It’s all about effort talaga,” dagdag pa niya.

Abante pa rin ang FEU sa third period, 55-40, subalit umiskor lamang ng 5 points sa basket ni Mo Konateh at tatlong free throws ni Veejay Pre sa huling 10 minuto.

Gumana ang depensa ng Bulldogs sa huli, habang hindi nakakuha ng break ang Tamaraws.

Makaraang lumabas sa rim ang jumper ni Royce Alforque na nagbigay sana sa FEU ng kalamangan, si PJ Palacielo ay dinala sa line, may 6.4 segundo ang nalalabi, isinalpak ang una at sumablay sa ikalawa.

Ang huling tsansa ng Tamaraws ay napunta kay Janrey Pasaol, na tumira ng three-pointer mula sa left wing, may 1.1 segundo ang nalalabi, at na-foul ni Palacielo.

Gayunman ay nagmintis ang FEU sa lahat ng tatlong free throws at nakuha ni Figueroa ang rebound para sa panalo.

“Pinagkatiwalaan ko silang maglaro so ganon naman sinabi ko sa kanila eh, it depends on them naman talaga kung ano yung magiging result ng game. Nagbigay lang ako ng kaunting pointers pero sila pa rin yung dumidiskarte,” sabi ni coach Jeff Napa makaraang bumawi ang NU mula sa 75-78 season-opening loss sa defending champion La Salle upang umangat sa 1-1.

Walang Bulldog ang nagtala ng double digits. Si Palacielo ay may 9 points, 6 rebounds at 2 assists, habang nag-step up si Jake Figueroa sa pagkawala ni Diassana, at nakalikom ng 8 points, 7! boards, 6 assists at 3 steals.

Iskor:
NU (62) – Palacielo 9, Figueroa 8, Padrones 8, Francisco 7, Enriquez 6, Garcia 5, Jumamoy 5, Santiago 4, Perciano 4, Lim 3, Tulabut 2, Yu 1, Manansala 0, Dela Cruz 0, Parks 0.

FEU (60) – Konateh 17, Pre 15, Pasaol 7, Alforque 6, Bagunu 4, Daa 4, Añonuevo 0, Montemayor 0, Nakai 0, Ona 0.

Quarterscores: 13-24, 31-33, 44-55, 62-60