UAAP, F2 LOGISTICS TAMPOK SA PSA FORUM

f2 Logistic

DALAWANG malalaking sports events ngayong linggo, gayundin ang newly-crowned Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference champion F2 Logistics, ang tampok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa  Amelie Hotel-Manila.

Kabilang sa tatalakayin sa 10:00 a.m. session ang 82nd season ng  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na sisimulan ang centerpiece event ng men’s basketball sa Miyerkoles, sa pangunguna nina Exe­cutive Director Rebo Saguisag at Commissioner for basketball Jensen Ilagan.

Muling bibisita si Manny Pacquiao (MP) Promotions President Sean Gibbons sa public sports program na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang talakayin ang all-Filipino world title fight sa pagitan nina Samuel Salva at Pedro Taduran para sa bakanteng International Boxing Federation (IBF) minimumweight championship na nakatakda sa Set. 7 sa Taguig City.

Magiging panauhin din sa forum sina volleyball stars Kim Fajardo, Dawn Macandili, Alex Cabanos, at MVP Kalei Mau upang ibahagi ang kanilang karanasan sa pagwawagi ng PSL All-Filipino conference crown laban sa Cignal.

Ang session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isinasahimpapawid sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 sa ala-1 hanggang alas-2 ng hapon.

Hinihikayat ang mga miyembro ng PSA na dumalo sa forum.

Comments are closed.