UAAP: FALCONS BALIK ANG BANGIS

Falcon

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – DLSU vs Ateneo (Women)

12 noon – DLSU vs Ateneo (Men)

4 p.m. – UST vs FEU (Men)

KINAILANGAN ng Adamson ng mala­king fourth quarter run upang igupo ang National University, 70-53,  at putulin ang four-game slide sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Naitala ni rookie AP Manlapaz ang 10 sa kanyang 14 points sa payoff period nang kumawala ang Falcons sa 48-47 bentahe upang iposte ang ika-4 na panalo sa   10 laro.

Sa ikalawang laro, nagbida si Kobe Paras  sa 78-75 panalo ng University of the Philippines kontra University of the East upang putulin ang kanilang losing streak.

Nagbanta ang Red Warriors sa 67-69 ngunit naisalpak ni Paras ang isang three-pointer at inasistihan ang lay-up ni Javi Gomez de Liaño upang bigyan ang Fighting Maroons ng 74-67 kalamangan, may 1:51 ang nalalabi.

Umangat ang UP sa 6-3, isang laro ang angat sa third-running University of Santo Tomas (5-4) sa karera para sa No. 2 ranking sa semifinals.

Nagbuhos si reigning MVP Bright Akhuetie ng 18 points at 14 rebounds, tumipa si Jun Manzo ng 17 points, 5 assists at 3 boards, habang nag-ambag si Paras ng 14 points, 6 boards at 3 assists para sa Maroons, na 1-1 na ngayon na wala si suspended coach Bo Perasol.

Iskor:

Unang laro:

AdU (72) – Ahanmisi 15, Manlapaz 14, Camacho 13, Douanga 11, Lastimosa 10, Chauca 3, Yerro 3, Sabandal 2, Fermin 1, Bernardo 0, Magbuhos 0, Mojica 0.

NU (53) – D. Ildefonso 15, Gaye 14, Clemente 10, Gallego 7, S. Ildefonso 2, Minerva 2, Rangel 2, Oczon 1, Diputado 0, Galinato 0, Joson 0, Malonzo 0, Mosqueda 0, Yu 0.

QS: 8-12, 32-34, 48-47, 72-53

Ikalawang laro:

UP (78) – Akhuetie 18, Manzo 17, Paras 14, Ja. Gomez de Liaño 10, Rivero 10, Ju. Gomez de Liaño 4, Mantilla 3, Tungcab 2, Gob 0, Prado 0, Webb 0.

UE (75) – Diakhite 28, Suerte 17, Manalang 10, Cruz 7, Conner 6, Antiporda 3, Pagsanjan 2, Tolentino 2, Abanto 0, Apacible 0, Mendoza 0.

QS: 27-10, 46-41, 65-50, 78-75

One thought on “UAAP: FALCONS BALIK ANG BANGIS”

Comments are closed.