UAAP: FINALS DADAGITIN NG EAGLES

Standings                   W    L

*Ateneo                     13    0

*UP              11    2

*DLSU          8     5

NU                6     7

FEU               6     7

AdU              5     8

UST               3     10

UE                 0     13

*Final Four

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – AdU vs UE

12:30 p.m. – UST vs FEU

4:30 p.m. – DLSU vs NU

7 p.m. – UP vs Ateneo

TARGET ng four-peat seeking Ateneo ang outright Finals berth sa pagsagupa sa Katipunan rival University of the Philippines sa UAAP men’s basketball eliminations ngayon sa Mall of Asia Arena.

Ang  Fighting Maroons ang nalalabing balakid sa Blue Eagles para makopo ang ikalawang sunod na 14-0 sweep sa laro na nakatakda sa alas-7 ng gabi, na magdedetermina kung ang semifinals ay magkakaroon ng Final Four o step-ladder format.

Ang panalo ay magbibigay sa Ateneo ng ika-5 sunod na championship appearance at maghihila sa kanilang remarkable winning streak sa 40 games magmula pa noong October 2018.

Nakasisiguro na sa No. 2 elimination round ranking na may kaakibat na  twice-to-beat sa Final Four o step-ladder formats, gagawin ng UP (11-2) ang lahatpara manalo sa paghahanda nito para sa naghhintay na mas malaking laban.

Malalaman din ngayon ang kapalaran ng National University, Far Eastern University at Adamson para sa huling semifinals berth.

Makakaharap ng Bulldogs ang nagbabalik sa semifinalis na La Salle sa alas-4:30 ng hapon, makakabangga ng Tamaraws ang sibak nang University of Santo Tomas sa alas-12:30 ng tanghali, habang makakalaban ng Falcons ang wala pang panalong University of the East sa alas-10 ng umaga.

Ang NU at FEU ay tabla sa fourth place sa 6-7, habang nasa sixth ang Adamson na may 5-8 kartada.

Hindi kontrolado ng Falcons ang kanilang kapalaran na makapasok sa Final Four dahil kailangang mamayani ang San Marcelino-based cagers kontra Red Warriors at umasang matalo ang Bulldogs at Tamaraws sa kanilang huling  elimination round upang maipuwersa ang double playoff para sa No. 4 slot.

Ang may pinakamataas na quotient ang makakakuha ng bye bilang tfourth-ranked team at ang dalawang may pinakamababang quotients (fifth at sixth) ang magkukrus ang landas sa unang eliminator. Ang mananalo ay makakaharap ng fourth-ranked team sa isa pang do-or-die duel para sa nalalabing Final Four berth.

Masisibak ang Adamson sa kontrnsiyon kapag nanalo ang NU o FEU sa kanilang elimination round finale.

Magsasalpukan ang Bulldogs at Tamaraws para sa huling semis berth kapag nalusutan nila ang  Green Archers at Growling Tigers, ayon sa pagkakasunod.