UMATAKE sa basket si Janjan Felicilda ng UP laban kay Jared Brown ng Ateneo sa kanilang second round meeting. UAAP PHOTO
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – UP vs UST (Women Final Four)
2 p.m. – UP vs Ateneo (Men Final Four)
6 p.m. – DLSU vs NU (Men Final Four)
SISIKAPIN ng University of the Philippines at La Salle na samantalahin ang kanilang twice-to-beat advantage sa Final Four sa pagsagupa sa lower-ranked foes sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Makakaharap ng top-ranked Fighting Maroons ang defending champion Ateneo, na nasa unfamiliar territory bilang No. 4 squad, sa isa na namang saga ng “Battle of Katipunan” sa alas-2 ng hapon.
Ang kasalukuyang pinakamainit na koponan sa liga na may eight-game winning streak, babanggain ng second-ranked Green Archers ang No. 3 National University sa isa pang Final Four pairing.
Asan ng UP, na may league-best 12-2 record, ang ikatlong sunod na Finals appearance, at ang ika-4 sa huling limang seasons.
Umaasa ang La Salle, na tinapos ang elims na may 11-3 kartada, tampok ang second round sweep, na makausad sa finals sa unang pagkakataon magmula noong 2017.
Samantala, tumukod ang Bulldogs sa huling bahagi ng eliminations, kung saan natalo ito ng dalawang sunod para magkasya sa third place sa 10-4.
Isa itong roller-coaster elims para sa Blue Eagles dahil nagtapos sila na may 7-7 record. Kinailangan ng Ateneo na talunin ang Adamson sa playoff noong nakaraang Miyerkoles upang mahila ang kanilang Final Four streak sa siyam na seasons.
May pagkakataong mabawi ang korona na nawala sa kanila noong Season 85, ang proseso ay nagpapatuloy para sa Fighting Maroons ni coach Goldwin Monteverde.
“I think sa start pa lang ng season, alam natin lahat ng teams very competitive,” sabi ni Monteverde, na ginabayan ang UP sa pagputol sa 36-year title drought sa Season 84. “Getting here at this spot is just part of it pero alam naman natin na di pa tapos. Whatever we worked hard for, we just have to follow through on it. We just have to wait kung sino makakalaban namin and prepare for them.
“It’s just a result of yung hard work namin. Lahat naman nito, di naman ito nakaplano. Like I said, whatever comes through, we have to prepare just to fight over every challenges. Kung saan tayo nakarating ngayon, at least we’re thankful but it’s not yet done,” dagdag pa niya.
Nananatiling kumpiyansa si Jared Brown, kuminang sa 70-48 victory ng Blue Eagles kontra Falcons, sa kanilang matchup sa Fighting Maroons. “We have momentum coming into Saturday, all we have to do is follow what our coaches want to do and execute it as well as we can,” ani Brown.