Standings W L
*Ateneo 13 0
*UP 11 2
*DLSU 9 5
*FEU 7 7
AdU 6 8
NU 6 8
UST 3 11
UE 0 14
*Final Four
NADOMINAHAN ng Far Eastern University ang University of Santo Tomas, 109-65, at pagkatapos ay nakopo ang nalalabing Final Four berth makaraang gapiin ng La Salle ang National University, 76-65, sa pagtatapos ng elimination round ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Umaasa ang Tamaraws sa panalo ng Green Archers para hilahin ang kanilang Final Four streak sa walong seasons, at hindi sila binigo ng season hosts.
Selyado na ang No. 3 ranking, kumayod pa rin nang husto ang La Salle para sa panalo na magsisilbing morale-booster papasok sa semifinals.
Isang reverse layup ni Kurt Lojera mula sa fastbreak ang muling nagbigay sa Archers ng double-digit lead, 67-56, may 2:49 ang nalalabi.
Pinagpahinga ng La Salle sina slotman Justine Baltazar at guard Schonny Winston habang naghahanda para sa mas malaking laban sa kanilang pagbabalik sa Final Four matapos mabigo sa huling dalawang kampanya.
Tumipa si Joaqui Manuel ng 20 points at 5 rebounds, nagdagdag si Mike Phillips ng 15 points at 15 boards habang si Lojera ang isa pang Archer sa twin digits na may 11 markers.
Nabigo ang NU na makausad sa susunod na round sa ika-5 sunod na season sa ika-6 na pagkatalo sa 14 games.
Ang panalo ng Tamaraws ni coach Olsen Racela ay sumibak sa Adamson Falcons at sa kanyang nakababatang kapatid na si Nash sa Final Four race. Ito ang unang pagkakataon na nabigo si Nash Racela na makaalpas sa elimination round sa kanyang UAAP coaching career.
Naitakas ng Adamson ang 65-53 victory kontra University of the East para sa 6-8 record ngunit kinapos sa kanilang kampanya na manatili sa Final Four race via backdoor makaraang kunin ng FEU ang ika-7 panalo sa torneo.
Iskor:
Unang laro:
AdU (65) — Sabandal 15, Magbuhos 11, Lastimosa 7, Peromingan 7, Hanapi 6, Yerro 6, Zaldivar 5, Manzano 4, Douanga 3, Colonia 1, Jaymalin 0, Barasi 0, Maata 0, Erolon 0, Calisay 0, Fuentebella 0.
UE (53) — K. Paranada 12, Pagsanjan 11, Escamis 9, Cruz 8, N. Paranada 5, Lorenzana 2, Sawat 2, Villanueva 2, Antiporda 2, Beltran 0, Abatayo 0, Guevarra 0, Tulabut 0, Pascual 0.
QS: 15-16, 30-22, 47-42, 65-53
Ikalawang laro:
FEU (109) — Sajonia 27, Abarrientos 11, Alforque 10, Gonzales 10, Sleat 9, Ojoula 8, Torres 8, Bienes 8, Celzo 6, Gravera 5, Dulatre 2, Sandagon 2, Tempra 2, Li 1, Coquia 0.
UST (65) — Cabañero 16, Fontanilla 13, Concepcion 10, Manalang 6, Manaytay 5, Pangilinan 5, Canoy 4, Gomez de
Liaño 3, Ando 2, Garing 1, Herrera 0, Yongco 0, Gesalem 0, Mantua 0.
QS: 22-15, 49-34, 74-47, 109-65
Ikatlong laro:
DLSU (76) — Manuel 20, M. Phillips 15, Lojera 11, Nelle 7, B. Phillips 7, Nonoy 5, Cu 3, Nwankwo 3, Cuajao 3, Austria 2.
NU (65) — Figueroa 20, Malonzo 13, Enriquez 6, Mahinay 6, Torres 5, Tibayan 4, Yu 3, Felicilda 2, Joson 2, Manansala 2, Gaye 2, Minerva 0, Galinato 0, Clemente 0, Ildefonso 0.
QS: 15-11, 37-25, 54-48, 76-65