(UAAP juniors basketball) BULLPUPS, BLUE EAGLETS MAGKAKASUBUKAN

uaap junior

Mga laro sa Linggo:

(Filoil Flying V Centre)

9 a.m. – UE vs UST (Jrs)

11 a.m. – FEU vs AdU (Jrs)

1 p.m. – DLSZ vs UPIS (Jrs)

3 p.m. – NU vs Ateneo (Jrs)

MAKAHAHARAP ng National University ang defending champion Ateneo sa huling laro ng four-game bill sa pagsisimula ng aksiyon sa se­cond round  ng UAAP Season 81 juniors basketball tournament sa Linggo sa Filoil Flying V Centre.

Umaasa ang Bullpups (6-1) na maduplika ang kanilang 78-62 panalo sa rematch ng Finals noong nakaraang taon upang maging No. 1 team sa first round sa kanilang 3 p.m. duel ng Blue Eaglets na mapano­nood sa national TV.

Magsasagupa naman ang Far Eastern University-Diliman at Adamson University, kasama sa ‘three-way’ tie ang Ateneo sa ikalawang puwesto na may 5-2 , sa alas-11 ng umaga.

Ang showdown ay tatampukan ng mga higanteng sina Kai Sotto, ang 7-foot-1 Ateneo center na ­nangunguna sa season MVP race, at Carl Tamayo ng NU.

Sa kanyang unang UAAP match-up kay Sotto noong nakaraang Dis. 15, si  Tamayo ay kumamada ng double-double na 13 points at 10 rebounds.

Pinangunahan naman ni Sotto ang Eaglets na may 23 points, 13 boards at 3 assists.

Ang Bullpups ay galing sa PSSBC championship noong Christmas break.

Sa iba pang laro ay magpapambuno ang University of Santo Tomas (3-4) at University of the East (1-6) sa alas-9 ng umaga, habang magkakasubukan ang De La Salle-Zobel (3-4) at UP Integrated School (0-7) sa ala-1 ng hapon (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez.

Comments are closed.