PINULBOS ng defending champion Far Eastern University-Diliman ang Ateneo, 4-0, upang manatiling walang talo sa UAAP Season 81 juniors football tournament noong Linggo.
Kumana si Kieth Absalon ng late first-half goal habang umatake rin sina Charles Lobitana, Stephen John Soria at Marc Jessar Tobias para sa Baby Tamaraws.
Kinuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang scoreless draw laban sa National University, ang FEU-Diliman ay umangat sa seven points at nasa ibabaw na ngayon ng standings sa bisa ng superior goal difference nito.
Tinapos ng Ateneo, na may seven points, ang first round campaign na may dalawang panalo, isang draw at isang talo.
Sa iba pang laro sa FEU-Diliman pitch, naitala ni Denzel Celebrado ang nag-iisang goal sa 50th minute at nakuha ng University of Santo Tomas gained ang unang full points nito sa pamamagitan ng 1-0 victory kontra De La Salle-Zobel.
Ang Junior Archers ay nananatiling walang puntos.
Comments are closed.