Standings W L
UST 3 0
DLSU 2 1
NU 2 1
FEU 2 1
UE 1 2
Ateneo 1 2
AdU 1 2
UP 0 3
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – NU vs UP (Men)
12 noon – DLSU vs Ateneo (Men)
2 p.m. – NU vs UP (Women)
4 p.m. – DLSU vs Ateneo (Women)
MAGSASALPUKAN ang Ateneo at La Salle sa unang pagkakataon sa UAAP women’s volleyball tournament ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena.
Dinomina ng Lady Spikers ang Blue Eagles sa kanilang huling 12 meetings magmula pa noong May 2, 2017.
Sumasakay sa momentum ng 22-25, 20-25, 25-22, 25-17, 15-9 panalo laban sa University of the Philippines upang sa wakas ay makapasok sa win column matapos ang 0-2 simula, umaasa si Ateneo’s Brazilian coach Sergio Veloso na maiaangat ng kanyang tropa ang lebel ng kanilang paglalaro sa 2 p.m. contest.
“La Salle is a strong team,” sabi ni Veloso. “But no matter who play on the other side, we will try to do our best. All the time, I tell our players to try to do your best. Play 100-110 percent and if the other team play very well too, it’s good. It’s good for the fans. Good for everybody having a good match.”
Bagama’t ang Blue Eagles ay nasa lower half ng standings, batid ni Lyann de Guzman, umiskor ng career-high 24 points laban sa Fighting Maroons, na kayang makipagsabayan ng kanyang koponan sa defending champions.
“We all know na sobrang big talaga pag natapat ang Ateneo at La Salle. But yun nga, sabi ni coach na we just need to keep on playing and do our job inside the court and darating na yung points sa amin naturally or win the game,” sabi ni De Guzman.
Binigyang-diin ni Sobe Buena, may impresibong 18-of-36 attacks sa huli nilang laro, ang pangangailangan na sumunod ang Blue Eagles sa game plan ni Veloso laban sa Lady Spikers.
“It is so important na we stick to the system and that we are able to enjoy and trust each other inside the court kasi, I think in today’s game (against UP), that was really really important and I think if we do that against La Salle, we will able to play well against them,” ani Buena.
Galing sa five-set loss, ang Lady Spikers ay inaasahang reresbak.
Kinapos ang La Salle sa kanilang paghahabol mula sa two-set deficit makaraang masayang ang three-point lead sa fifth set upang yumuko sa University of Santo Tomas, 18-25, 23-25, 25-14, 25-16, 12-15, noong Linggo.
Asam din ng National University ang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa UP sa unang laro sa alas-2 ng hapon.
Ang Lady Bulldogs at Lady Spikers ay nakaipit sa three-way tie sa second place sa walang larong Far Eastern University.
“’Yung patience lang ng progress namin, kailangan lang maging consistent sa pagtatrabaho namin sa training and hopefully, ma-apply namin sa next game,” sabi ni NU middle blocker Sheena Toring.
Ang Tigresses, na makakaharap ang Lady Tamaraws bukas, ang tanging undefeated team sa 3-0.