UAAP: KAPIT SA NO. 2 SPOT HIHIGPITAN NG LADY SPIKERS

SA KANYANG ikalawang season para sa DLSU, si Angel Canino ay ­patuloy sa pagkamada ng MVP-like numbers. UAAP PHOTO

Standings      W     L
UST      8     0
DLSU      6     1
NU      6     2
FEU      4     3
AdU      2     5
Ateneo      2     6
UE      1     6
UP      1     7

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)

10 a.m. – AdU vs UE (Men)

12 noon – DLSU vs FEU (Men)

2 p.m. – AdU vs UE (Women)

4 p.m. – DLSU vs FEU (Women)

PUNTIRYA ng defending champion La Salle ang ika-5 sunod na panalo sa pagsagupa sa mapanganib na Far Eastern University sa UAAP women’s volleyball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Umaasa ang Lady Spikers, tinapos ang first round sa second place na may 6-1 record, na maduplika ang kanilang 25-20, 25-17, 25-22 panalo laban sa Lady Tamaraws noong nakaraang Feb. 21 sa alas-4 ng hapon.

Umaasa ang Adamson at University of the East na maisantabi ang kanilang  first round struggles sa 2 p.m. curtain raiser.

Ang La Salle ay nasa likod ng league-leading University of Santo Tomas, unbeaten sa walong laro, at kabuntot ang National University, sa third place na may 6-2 kartada.

Ang Tigresses at Lady Bulldogs collide ay magsasalpukan bukas sa Big Dome bago magpahinga ang liga para sa Lenten season.

Samantala, nananatili ang FEU sa kontensiyon para makabalik sa Final Four matapos ang 4-3 first round.  Ang Lady Tamaraws ay dalawang laro ang angat sa fifth-running Lady Falcons (2-5).

Hindi iniinda ng Lady Spikers ang pagkawala ng ilang key players mula sa championship run noong nakaraang season, sa pangunguna nina reigning MVP Angel Canino, Shevana Laput, Alleiah Malaluan, Thea Gagate at Em Provido.

Ipinakita rin nina playmaker Julia Coronel at libero Lyka de Leon, na pumunan sa puwestong iniwan nina Mars Alba at Justine Jazareno, ayon sa pagkakasunod, ang kanilang halaga sa first round.

Si Coronel ay third-best sa setting department sa likod nina UST’s Cassie Carballo at  FEU’s Tin Ubaldo, at ranked third din sa serving.  Samantala, second naman si De Leon sa receiving sa likod nj Det Pepito ng Tigresses.

Umaasa ang Lady Tamaraws na mamayani sa top three team na magsisilbing babala hindi lamang sa kanilang Final Four aspirations kundi pati sa championship. Sina Gerzel Petallo at Chenie Tagaod ang 1-2 punch ng FEU, habang naibalik ni Faida Bakanke ng Congo ang kanyang preseason matapos ang mabagal na simula.