UAAP: KAPIT SA NO. 4 HIHIGPITAN NG TAMARAWS

Standings                   W    L

*Ateneo                     12    0

*UP              10    2

DLSU           7      5

FEU              6      6

AdU             5      7

NU               5      7

UST              3      9

UE                 0     12

*Final Four

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UE vs NU

12:30 p.m. – AdU vs DLSU

4:30 p.m. – FEU vs Ateneo

7 p.m. – UST vs UP

MAY dalawang laro na naghihiwalay sa apat na koponan na nag-aagawan sa dalawang nalalabing Final Four berths, walang puwang ang pagkakamali sa huling dalawang playdates ng UAAP men’s basketball eliminations.

Mapapalaban sa four-peat seeking Ateneo na namumuro sa outright Finals para sa ikalawang  sunod na season, gagawin ng Far Eastern University ang lahat para manatili sa kontensiyon para sa ika-9 na sunod na Final Four appearance.

Umaasa ang Tamaraws na mapatatag ang kapit sa No. 4 spot laban sa Blue Eagles ngayong alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Mabigat na misyon ang talunin ang Ateneo, na 12-0 sa season at nanalo ng  38 sunod magmula pa noong October 2018, subalit hindi nawawalan ng pag-asa si coach Olsen Racela.

“Our primary goal is to make it to the Final Four. Now it’s within our reach. We have to take care of our business,” sabi ni Racela makaraang pataubin ng kanyang tropa ang La Salle, 67-62, noong nakaraang Martes.

Tangan ang 6-6 record, ang FEU ay may one-game lead kontra Adamson at National University, na nasa joint fifth sa 5-7, sa karera para sa huling Final Four berth.

Binigo ng Tamaraws sa kanilang huling laro, sisikapin ng Green Archers na maselyuhan ang pagbabalik sa Final Four makaraang hindi makausad sa huling dalawang seasons sa pagharap sa  Falcons sa alas-12:30 ng tanghali.

Ang third-running La Salle ay may 7-5 marka, dalawang laro ang angat sa Adamson at NU, na makakasagupa ang wala pang panalong t

University of the East sa 10 a.m. curtain raiser.

Makakabangga naman ng semifinalist University of the Philippines, sa isang warm-up sa Labor Day duel sa Ateneo, ang also-ran University of Santo Tomas sa huling laro sa alas-7 ng gabi.

Ang Growling Tigers ay pormal na nasibak sa Final Four race kasunod ng 60-73 pagkatalo sa Bulldogs noong Martes ng gabi.