UAAP: LA SALLE, ATENEO MAGSASALPUKAN

Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

9 a.m. – UST vs Ateneo (Women)

11 a.m. – UP vs NU (Women)

2 p.m. – FEU vs UST (Men)

6 p.m. – Ateneo vs DLSU (Men)

MAGHAHARAP ang defending champion At­eneo at La Salle sa isang rivalry game na may implikasyon sa nalal­abing Final Four berth, gayundin sa dalawang twice-to-beat slots sa fi­nal weekend ng UAAP men’s basketball tourna­ment.

Target ng Blue Eagles ang kanilang ika-9 na su­nod na Final Four appear­ance, habang puntirya ng Green Archers ang second round sweep ngayong alas- 6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ng Ateneo ay sisibak sa walang larong Adamson sa Final Four race.

May 7-6 record sa fourth place, ang Blue Eagles ay angat ng isang laro sa fifth-running Falcons (6-7).

Umaasa ang Adam-son sa panalo ng La Salle kontra Ateneo, at manaig kontra also-ran University of the East bukas ng alas 2 ng hapon sa Mall of Asia Arena para maipuwersa ang playoff para sa No. 4 spot.

Nanalo sa kanilang huling pitong laro, ang 10-3 Green Archers ay nasa magandang posisyon hindi lamang na makopo ang twice-to-beat bonus sa Final Four kundi ang maging No. 1 team din sa double-round eliminations.

Maaaring kunin ng La Salle ang Final Four incentive kapag tinalo nito ang Ateneo, at manalo ang University of the Philippines (11-2) kontra National University (10-3) bukas ng alas-4 ng hapon sa bay-side Pasay venue.

Ang Green Archers ay maaaring magtapos bilang top-ranked team sa elimination round kapag tumabla sila sa Fighting Maroons at Bulldogs sa first place sa 11-3, dahil tangan nf Taft-based cagers ang tiebreaker.

Ang pagkatalo sa Blue Eagles ay hindi katapusan ng mundo ng Green Archers sa kanilang kampanya para sa twice-to-beat incentive dahil kakailanganin ng La Salle ang panalo ng UP laban sa NU para maipuwersa ang playoff para sa No. 2 slot.

Gayunman, ang panalo ng Bulldogs kontra Fight-ing Maroons,l ay magla-laglag sa Green Archers bilang third-ranked squad sa Final Four.

Samantala, sisikapin ng also-rans Far Eastern University at University of Santo Tomas na matikas na tapusin ang kani-kanilang season sa alas-2 ng hapon.

Ang Tamaraws ay hindi nakapasok sa Final Four sa ikaawang sunod na sea-son matapos ang walong sunod naappearances, ha-bang ang Growling Tigers ay bigong makausad sa ikatlong sunod na season.