UAAP: LA SALLE-NU REMATCH INAABANGAN NA

Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – Ateneo vs UE (Men)
12 noon –  AdU vs DLSU (Men)
2 p.m. – Ateneo vs UE (Women)
4 p.m. – AdU vs DLSU (Women)

Mga laro sa Linggo:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – FEU vs UP (Men)
12 noon – NU vs UST (Men)
2 p.m. – FEU vs UP (Women)
4 p.m. – NU vs UST (Women)

NAKATAKDA ang rematch ng last season’s UAAP women’s volleyball finalists La Salle at National University sa March 16 sa Araneta Coliseum.

Ang Lady Spikers at Lady Bulldogs ay maghaharap sa unang pagkakataon magmula nang maiganti ng Taft-based squad ang kanilang Season 84 championship loss sa kanilang Bustillos counterparts noong nakaraang Mayo.

Ang La Salle-NU duel ay nakatakda sa alas-2 ng hapon, na susundan ng 4 p.m. showdown sa pagitan ng last season’s third placers Adamson at University of Santo Tomas.

Marami nang naging pagbabago matapos ang title series noong nakaraang season kung saan nawala sa Lady Spikers sina Jolina dela Cruz, Mars Alba, Fifi Sharma at Justine Jazareno, habang ibinalik ng Lady Bulldogs si Norman Miguel bilang kanilang head coach habang nagtapos na sina Jen Nierva at Joyme Cagande.

Nasa La Salle pa rin sina reigning MVP Angel Canino, Shevanna Laput, Thea Gagate, Julia Coronel at  Lyka de Leon para punan ang mga butas na iniwan ng mga nag-graduate o naging pro.

Pangungunahan ni dating Rookie-MVP Bella Belen ang  NU core na kinabibilangan din nina Vange Alinsug, Alyssa Solomon, Erin Pangilinan, Sheena Toring at Shai Jardio.

Sisimulan ng Lady Spikers ang kanilang title defense laban sa Lady Falcons bukas para tampukan ang  opening weekend ng centerpiece second semester event ng liga sa Mall of Asia Arena.

Magsasagupa ang La Salle at Adamson sa alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Ateneo at host University of the East sa alas-2 ng hapon.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Linggo sa bayside Pasay venue, sa paghaharap ng NU at UST sa alas-4 ng hapon, matapos ang 2 p.m. duel sa pagitan ng Far Eastern University at University of the Philippines.