UAAP: LADY SPIKERS SOSYO SA UNAHAN

Standings      W    L
UST      9    1
*DLSU      9    1
*NU      8    2
FEU      6    4
Ateneo      3    7
UE      2    8
AdU      2    8
UP      1    9
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – UP vs UST  (Men)

12 noon –Ateneo vs NU (Men)

2 p.m. – UP  vs UST (Women)

4 p.m. – Ateneo vs NU (Women)

NALUSUTAN ng defending champion La Salle, naglaro na wala pa rin si  injured reigning MVP Angel Canino, ang matikas na pakikihamok ng University of the East side, 25-23, 21-25, 25-17, 22-25, 15-12, upang tumabla sa University of Santo Tomas sa 9-1 sa first place sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa  Smart Araneta Coliseum.

Kumana si Thea Gagate ng 3  blocks at 2 service aces upang tumapos na may  22 points habang nagtala rin si Shevana Laput ng 3  blocks para sa 21-point outing para sa Lady Spikers.

Nagbuhos si Alleiah Malaluan ng 12 points, kabilang ang 2 blocks, at nakakolekta ng 13 digs at 5  receptions habang nagdagdag sina Em Provido at Maica Larroza ng 11 at 9 points, ayon sa pagkakasunod, para sa La Salle, na ibinuhos ang kanilang lakas sa  blocking sa fifth set.

Nagposte si Khy Cepada ng 23 points, kabilang ang 2 blocks at 2  service aces, habang nagpakawala si rookie Casiey Dongallo ng match-best 5 aces at 3 blocks upang ipagpatuloy ang kanyang high scoring ways na may 20 points para sa Lady Warriors.

Samantala, pinahigpit ng Far Eastern University ang kapit sa  No. 4 spot makaraang walisin ang Adamson, 25-19, 25-23, 25-23,

Umangat ang Lady Tamaraws sa 6-4 upang manatili sa kontensiyon para sa isang puwesto sa Final Four.

“Siyempre sa kinalalagyan namin ngayon, mas gigil pa kami na mas makamit yung goal namin na pumasok sa Final Four and also yung mga goal din naman na mabawian anmin yung natalo kami ng first round,” sabi ni FEU coach Manolo Refugia.