UAAP: LADY SPIKERS, TIGRESSES AGAWAN SA HULING SEMIS BONUS

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)

10 a.m. – UP vs UE (Men)

12 noon – UP vs UE (Women)

4 p.m. – UST vs DLSU (Men)

6 p.m. – UST vs DLSU (Women)

PAG-AAGAWAN ng University of Santo Tomas at defending champion La Salle dispute ang nalalabing twice-to-beat slot sa UAAP women’s volleyball Final Four ngayon sa Smart Araneta ­Coliseum.

Tabla ang dalawang koponan sa 11-2, at inaasahan ang umaatikabong bakbakan ng Tigresses at  Lady Spikers para makaiwas sa twice-to-beat disadvantage sa semifinals.

Nakuha ng National University, undefeated sa second round, ang unang Final Four bonus at ang No. 1 ranking makaraang tapusin ang eliminations na may 12-2 record.

May 9-5 kartada, ang Far Eastern University ay sinelyuhan na ang No. 4 spot.

Makakaharap ng  Lady Bulldogs, nagtatangka sa kanilang ikatlong sunod na  Finals appearance, ang Lady Tamaraws sa Final Four.

Dinispatsa ng UST ang La Salle, 25-18, 25-23, 14-25, 16-25, 15-12, sa first round noong nakaraang Feb. 25.

Isa itong virtual best-of-three showdown sa pagitan ng Tigresses at Lady Spikers, kung saan nakataya ang Final Four incentive sa 6 p.m. match.

Noong 2019, ang dalawang koponan ay naharap sa parehong sitwasyon kung saan nakuha ng UST ang  twice-to-beat advantage sa Final Four at pagkatapos ay naisaayos ang  Finals showdown sa Ateneo makaraang makaulit sa Taft-based side sa Final Four.

Sa isa pang laro sa alas-12 ng tanghali ay umaasa ang University of the East na maitala ang unang three-win season nito magmula noong 2019 sa pagsagupa sa  University of the Philippines.