PINATAOB ng Far Eastern University (FEU) Tamaraws ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 76-51, sa pagsisimula ng UAAP Season 84 men’s basketball nitong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Agad na nagparamdam si Gilas Pilipinas member RJ Abarrientos para sa Tamaraws, kung saan pinangunahan niya ang opensiba ng lFEU, lalo na sa first half, sa pagkamada ng 14 sa kanyang 18 markers sa unang dalawang quarters.
Nag-ambag sina John Bryan Sajonia at Emman Ojuola ng pinagsamang 20 points upang tulungan ang Tamaraws na makopo ang unang panalo sa season.
Nagpahayag ng kasabikan si Abarrientos sa paglalaro sa wakas para sa FEU sa UAAP matapos ang dalawang taong break dahil sa COVID-19 pandemic.
“Sobrang excited dahil nakabalik na ulit after 2 years. ‘Yung mga preparations, ‘yung mga ginawa namin nung ilang months kasama ‘yung coaches namin and ‘yung teammates, sobrang naging maganda ‘yung bonding namin as a team. Ito rin ‘yung result ng mga pinaghirapan namin,” ani Abarrientos.
Iskor:
FEU (76) – Abarrientos 18, Sajonia 12, Ojuola 8, Gravera 6, Coquia 6, Li 5, Bienes 4, Anonuevo 4, Sleat 3, Alforque 2, Dulatre 2, Sandagon 2, Celzo 2, Torres 2, Tempra 0.
UST (51) – Fontanilla 19, Cabanero 12, Concepcion 7, Gomez de Liano 3, Santos 3, Manalang 3, Ando 2, Manaytay 2, Garing 0, Pangilinan 0, Herrera 0, Canoy 0, Samudio 0.
QS: 22-9, 47-18, 60-35, 76-51.