Standings W L
Ateneo 7 0
UP 6 1
DLSU 5 2
NU 4 3
FEU 3 4
UST 2 5
AdU 1 6
UE 0 7
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – NU vs UP
12:30 p.m. – FEU vs AdU
4:30 p.m. – UST vs UE
7 p.m. – Ateneo vs DLSU
MULING magsasalpukan ang Ateneo at La Salle — sa pagkakataong ito ay sa harap ng live fans — sa pagsisimula ng second round ng UAAP men’s basketball tournament ngayong Martes sa Mall of Asia Arena.
Sa kanilang unang paghaharap na nilaro sa closed doors ay namayani ang four-peat seeking Blue Eagles kontra Green Archers, 74-57, noong nakaraang April 2, subalit kinailangan nilang malusutan ang pagbabanta ng kanilang long-time nemesis sa first hallf.
Hindi lamang ang mahila ang kanilang winning streak laban sa La Salle sa pito magmula pa noong 2017 Finals sa 7 p.m. match ang target ng Ateneo kundi ang mapalawig din ang kanilang run sa 34 games. Ang Katipunan-based squad ay hindi pa natatalo magmula noong October 10, 2018.
Nasa kanilang pinakamahabang winning streak magmula noong 2004, sisikapin ng University of the Philippines na mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto laban sa vastly-improved National University sa 10 a.m.matinee.
Sa iba pang laro, magsasalpukan ang Far Eastern University at ang inaalat na Adamson sa alas-12:30 ng hapon, habang magtutuos ang University of Santo Tomas at University of the East sa alas-4:30 ng hapon.
Inanunsiyo ng UAAP na simula ngayon ay magkakaroon ng hiwalay na tickets para sa10 a.m. at 12:30 p.m. games, at sa 4:30 p.m. at 7 p.m. games.
Matapos ang four-game bill ngeyong araw, ang aksiyon ay magpapatuloy sa susunod na Martes matapos ang Lenten holidays.