Standings W L
*Ateneo 11 0
*UP 9 2
DLSU 7 4
FEU 5 6
AdU 5 6
NU 4 7
UST 3 8
UE 0 11
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – DLSU vs FEU
12:30 p.m. – UP vs UE
4:30 p.m. – Ateneo vs AdU
7 p.m. – NU vs UST
TATLONG panalo na lamang mula sa pagdiretso sa Finals, isa na namang perfect UAAP men’s basketball campaign ang naghihintay sa Ateneo.
Ngunit dahil sa nakapapagod na iskedyul ngayong season, kung saan ang mga koponan ay kailangang maglaro tatlong beses isang linggo, hindi umaasa si coach Tab Baldwin na maduduplika ng kanyang Blue Eagles ang kanilang 2019 feat na nakumpleto ang 16-0 sweep.
“I’ve said this at the beginning, I thought it would be almost impossible to go without a defeat through this season and I still think it is a remote possibility,” sabi ni Baldwin.
Sa huling linggo ng eliminations, makakaharap ng Ateneo ang streaking Adamson ngayon, ang unpredictable Far Eastern University sa Huwebes at ang second-running University of the Philippines sa Labor Day.
Natutuwa si Baldwin sa kanyang tropa sa pagbibigay ng kanilang 100 percent best nang pumasok sila sa bubble noong Pebrero bilang paghahanda sa four-peat bid ng Katipunan-based team.
“We’re going almost three months without any days off and I do not really know how the players are doing it. My heart goes out to them, honestly,” ani Baldwin.
“I’m not just making this statement, I was thinking about that last night because I was thinking about how tired I was and I can only imagine how tired the players are,” dagdag pa niya.
Sasagupain ng Blue Eagles ang Falcons, na wala pang talo sa second round, sa ikatlong laro ng quadruplebill sa alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena.
Matapos ang nakadidismayang 1-6 first round stint, ang Adamson ay umakyat sa Final Four range sa pagwawagi ng apat na sunod. Kasalo ngayon ng Falcons ang Tamaraws sa fourth place sa 5-6.
Magsasalpukan naman ang FEU at La Salle sa 10 a.m. matinee.
Kailangang talunin ng Green Archers, na galing sa 69-72 loss sa Fighting Maroons, ang Tamaraws at manalo ang Eagles kontra Falcons para makabalik sa Final Four matapos ang dalawang seasons na pagkawala.
Nasa ikatlong puwesto na may 7-4 marka, ang La Salle ay angat lamang ng dalawang laro sa Adamson at FEU.
Sa iba pang laro ay magsasalpukan ang UP at ang also-ran University of the East sa alas-12:30 ng tanghali, habang magtutuos ang National University at University of the Philippines sa alas-7 ng gabi.