UAAP: MAROONS DISKARIL SA FALCONS

Standings                  W    L

*Ateneo                    10    0

UP                8     2

DLSU           6     3

NU               4     6

FEU              4     6

AdU             4     6

UST              3     7

UE                0     9

*Final Four

 

Mga laro bukas:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – AdU vs UST

12:30 p.m. – Ateneo vs NU

4:30 p.m. – UP vs DLSU

7 p.m. – UE vs FEU

NAPIGILAN ng Adamson ang pagmartsa ng University of the Philippines sa Final Four sa pamamagitan ng 66-58 panalo sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Naisalpak ni Jerom Lastimosa ang dagger triple sa huling 23.3 segundo upang isalba ang Falcons makaraang ibaba ng dalawang free throws ni  Ricci Rivero ang deficit ng Fighting Maroons sa 57-59.

Patuloy ang pag-ahon mula sa 1-6 simula, ang Adamson, na umabante ng hanggang 17 points (30-13) sa second period, ay nanatiling walang talo sa tatlong  second round games.

Tumapos si Lastimosa na may 13 points, 5 rebounds, 4  assists at 2 blocks habang nagdagdag si Didat Hanapi ng 12 points para sa Falcons, na biglang nabuhay sa semifinals contention.

Ang kabiguan ay pumutol sa eight-game winning streak ng UP, ang pinakamahaba ng eskuwelahan sa Final Four era.

Nagsalansan si Riveri ng 14 points, 5 rebounds at 2 two steals habang nag-ambag si Carl Tamayo ng 12 points, 8 boards, 2 steals at 2 steals para sa Maroons.

Nauna rito ay naungusan ng Far Eastern University ang National University, 61-59, upang maipuwersa ang three-way tie sa biktima nito at sa Adamson sa fourth place sa 4-6.

Tinambakan naman ng defending three-time champion Ateneo ang University of Santo Tomas, 101-51, upang hilahin ang kanilang durable winning streak sa 36 games.

Napalawig din ng Blue Eagles ang kanilang win-loss record ngayong season sa 10-0.

Iskor:

Unang laro:

Ateneo (101) — Verano 18, Belangel 16, Chiu 14, Lazaro 12, Ildefonso 11, Kouame 10, Koon 9, Andrade 6, Padrigao 5, Mamuyac 0, Tio 0, Gomez 0, Daves 0.

UST (51) — Cabañero 18, Manaytay 9, Fontanilla 8, Manalang 7, Concepcion 5, Yongco 2, Santos 2, Ando 0, Herrera 0, Gomez de Liaño 0, Garing 0, Mantua 0, Pangilinan 0.

QS: 22-8, 46-21, 80-36, 101-51

Ikalawang laro:

FEU (59) — Torres 16, Ojuola 11, Sandagon 10, Gonzales 7, Tempra 4, Sleat 3, Abarrientos 3, Bienes 2, Alforque 2, Li 1, Celzo 0, Sajonia 0.

NU (57) — Clemente 13, Ildefonso 9, Joson 8, Minerva 6, Malonzo 5, Felicilda 5, Torres 3, Figueroa 2, Gaye 2, Mahinay 2, Manansala 2, Yu 0, Enriquez 0.

QS: 14-15, 22-33, 40-49, 59-57

Ikatlong laro:

AdU (66) — Lastimosa 13, Hanapi 12, Sabandal 11, Manzano 8, Zaldivar 8, Magbuhos 6, Peromingan 5, Colonia 2, Yerro 1, Douanga 0, Jaymalin 0, Erolon 0, Barasi 0.

UP (58) — Rivero 14, Tamayo 12, Diouf 7, Lucero 7, Cagulangan 6, Cansino 5, Spencer 4, Webb 3, Alarcon 0, Abadiano 0, Fortea 0.

QS: 20-12, 36-28, 47-44, 66-58