UAAP: MAROONS ITATAYA ANG MALINIS NA MARKA VS TIGERS

Standings W L
UP 5 0
DLSU 5 1
UST 3 2
UE 3 2
AdU 3 3
Ateneo 1 4
NU 1 5
FEU 1 5
Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UST vs UPIS (JHS)
9:45 a.m. – UE vs Ateneo (JHS)
11:30 a.m. – UST vs UP (Women)
1:30 p.m. – UE vs Ateneo (Women)
4:30 p.m. – UST vs UP (Men)
6:30 p.m. – UE vs Ateneo (Men)

SISIMULAN ng University of the Philippines ang mabigat na two-game swing upang tapusin ang kanilang first round campaign kontra University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball tournament ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Walang planong magkumpiyansa ang Fighting Maroons, walang talo sa limang laro, laban sa Growling Tigers sa 4:30 p.m. contest.

“Knowing them now compared to last year, they now have a good program, definitely they are better now. I think in each position, they have materials to really compete. Paghahandaan naming mabuti,” sabi ni UP coach Goldwin Monteverde on UST.

Ang panalo ay magsisilbing confidence builder para sa UP papasok sa Finals rematch sa Linggo kontra La Salle, na nanalo sa kanilang huling dalawang laro.

Galing sa 67-88 blowout loss laban sa defending champions, ang UST ay umaasa na tapusin ang first round na may winning record at manatili sa kontensiyon para sa Final Four.

Ang Growling Tigers, na hindi pa nananalo sa Fighting Maroons sa huling anim na paghaharap magmula noong 2022, ay may 3-2 record sa joint third.

Naitala pa rln ng UP ang kanilang ika-5 double digit win ngayong season laban sa Adamson, 69-57, noong Sabado makaraang humabol mula sa 22 deficit.

Magsasalpukan ang University of the East, ang second hottest team sa liga na may tatlong sunod na panalo, at Ateneo sa 6:30 p.m.nightcap.

Ang Red Warriors ay nasa kanilang pinakamahabang winning streak magmula nang tapusin ang eliminations na may limang sunod na panalo noong 2014, kung saan kinapos ang Recto-based side sa kanilang Final Four bid.

Samantala, bawal nang matalo ang Blue Eagles, nasa sixth place sa 1-4, kung nais nilang makapasok sa Final Four.

Makakaharap ng Ateneo, nalasap ang 65-66 overtime defeat sa Far Eastern University noong nakaraang Miyerkoles, ang struggling National University upang tapusin ang kanilang first round sa Sabado.