UAAP: MAROONS SUMAMPA SA SEMIS

Standings                            W    L

*Ateneo                              11    0

*UP                       9     2

DLSU                    7     4

AdU                      5     6

FEU                       4     6

NU                        4     7

UST                       3     8

UE                                        0     10

*Final Four

Mga laro sa Martes:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – DLSU vs FEU

12:a p.m. – UP vs UE

4:30 p.m. – Ateneo vs AdU

7 p.m. – NU vs UST

NASAYANG ng University of the Philippines ang 12-point lead bago naitakas ang 72-69 panalo laban sa La Salle upang kunin ang kanilang ikatlong sunod na Final Four appearance sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.

Pinalawig ng Fighting Maroons ang kanilang dominasyon sa Green Archers sa anim magmula pa noong 2018, ngunit hindi ito naging madali.

May 9-2 marka sa ikalawang puwesto, naitala ng Maroons ang two-game cushion kontra Archers (7-4) sa karera para sa ikalawang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Sa panalo ng UP ay nakasiguro na rin ang defending champion Ateneo, na naunang nagposte ng wire-to-wire 89-75 victory laban sa National University, sa unang twice-to-beat semis incentive.

Umangat ang Blue Eagles sa 11-0 at hinila ang kanilang winning run sa 37 games na nagmula pa noong October 2018.

Kasalukuyang ikalawang pinakamainit na koponan sa liga, ang Adamson ay umangat sa 4-0 sa second round kasunod ng 80-69 pagdispatsa sa University of Santo Tomas.

Sa kanilang ika-5 panalo sa 11 games, nalagpasan na ng Falcons ang kanilang four-win season noong 2019 at higit sa lahat ay nakapasok sa Final Four range.

Bumagsak ang UST sa 3-8 at nasa bingit na ngayon ng pagkakasibak sa Final Four race kung saan naghahabol ito sa Adamson ng dalawang games, may tatlong laro na lamang na nalalabi.

Iskor:

Unang laro:

AdU (80) — Lastimosa 24, Magbuhos 11, Douanga 9, Sabandal 8, Manzano 8, Zaldivar 8, Peromingan 8, Yerro 2, Colonia 2, Hanapi 0, Jaymalin 0, Calisay 0, Fuentebella 0, Erolon 0, Barasi 0, Maata 0.

UST (69) — Fontanilla 23, Cabañero 13, Manalang 11, Santos 5, Concepcion 4, Gesalem 3, Manaytay 3, Garing 3, Ando 2, Herrera 2, Pangilinan 0, Yongco 0, Canoy 0.

QS: 22-21, 41-40, 66-52, 80-69

Ikalawang laro:

Ateneo (89) — Ildefonso 17, Kouame 16, Belangel 9, Chiu 9, Verano 8, Mamuyac 8, Andrade 6, Tio 6, Koon 5, Lazaro 5, Padrigao 0, Gomez 0, Daves 0.

NU (75) — Felicilda 12, Figueroa 12, Clemente 10, Gaye 9, Ildefonso 7, Torres 7, Minerva 5, Malonzo 4, Mahinay 4, Galinato 3, Joson 2, Enriquez 0, Manansala 0, Yu 0.

QS: 29-12, 61-36, 78-49, 89-75

Ikatlong laro:

UP (72) — Tamayo 23, Diouf 15, Rivero 11, Lucero 9, Fortea 8, Cagulangan 4, Spencer 2, Abadiano 0, Cansino 0, Alarcon 0, Lina 0.

DLSU (69) — Baltazar 16, Winston 16, Lojera 13, M. Phillips 8, Nelle 7, Nonoy 7, B. Phillips 2, Manuel 0, Escandor 0, Nwankwo 0, Cuajao 0.

QS: 18-17, 42-31, 56-49, 72-69