UAAP: PUNO’T DULO MAGTATAGPO

Standings             W    L

Ateneo  5     0

DLSU     4     1

UP                         4     1

NU                        2     3

UST        2     3

FEU        2     3

AdU       1     4

UE                         0      5

 

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

10 a.m. – DLSU vs UP

1 p.m. – UST vs NU

4 p.m. – Ateneo vs UE

7 p.m. – AdU vs FEU

TARGET ng four-peat seeking Ateneo ang ika-6 na sunod na panalo sa pagharap sa wala pang panalong University of the East sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Mall of Asia Arena.

Abot-kamay na ang first round sweep, inaasahang magaan na didispatsahin ng Blue Eagles ang Red Warriors, na patuloy na hindi makakasama si suspended coach Jack Santiago sa 4 p.m. match.

Sinubukan ng National University side, naging matatag ang Ateneo bago naitakas ang 74-64 panalo noong Martes ng gabi upang mahila ang kanilang remarkable winning run sa 31 na nagsimula noong October 2018.

Pinuri ni Eagles coach Tab Baldwin ang Bulldogs sa pagbibigay sa kanila ng magandang laban. “NU’s a good basketball team coming into this game,” sabi ni Baldwin. “I think we expected that but I’m not sure we respected that enough. There is still a lot of work for us to do. I’m delighted that we got the win because NU made us fight every inch for that win.”

Inaasahan naman ang mainit na bakbakan sa pagitan ng joint second placers La Salle at University of the Philippines sa 10 a.m. match.

Ang Green Archers at Fighting Maroons ay may magkatulad na 4-1 records, at ang magwawagi ay posibleng magtapos sa No. 2 sa pagwawakas ng first round sa Sabado.

Maghaharap naman ang University of Santo Tomas at NU sa ala-1 ng hapon, habang magpapambuno ang Far Eastern University, galing sa 88-74 win kontra UE na pumutol sa three-game slide, at  Adamson sa huling laro sa alas-7 ng gabi.