GAYOSO BINUHAT ANG EAGLES VS FALCONS

Jarvey Gayoso

Standings: Ateneo 16 pts., FEU 15, UST 14, UP 13, DLSU 13, NU 10, AdU 8, UE 8.

Mga laro sa Huwebes:

(FEU-Diliman)

9 a.m. – NU vs FEU (Men)

1:30 p.m. – UE vs UST (Men)

3:30 p.m. – DLSU vs Ateneo (Men)

NAGING top goalscorer ng liga si Jarvey Gayoso nang igupo ng Ateneo ang Adamson University, 7-1, sa UAAP Season 81 men’s football tournament  kahapon sa FEU-Diliman pitch.

Gumawa si Gayoso ng isang hattrick upang iangat ang kanyang total sa pito, at mahigitan ang kanyang teammate na si Rupert Baña na may anim.

Nag-init din sina Jeremiah Rocha, Julian Roxas, Mark  Nacional at substitute Jabez Setters para sa Blue Eagles, na mayroon na ngayong 16 points.

Nakuha ng Ateneo ang liderato nang ipalasap ng University of Santo Tomas sa Far Eastern University ang ikalawang sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 1-0 panalo.

Sinamahan ng defending champion University of the Philippines ang  De La Salle sa fourth place na may 13 points kasunod ng 2-0 victory.

Sapat na ang  second-half header ni Alijreh Fuchigami laban kay  goalkeeper Dave Parac para umakyat ang Growling Tigers sa third place na may 14 points, sa likod ng second-running Tamaraws.

Nanatili ang Falcons sa near bottom na may 8 points.

Comments are closed.