(UAAP Season 81 lawn tennis) NU DINUNGISAN NG ATENEO

ateneo lawn tennis

IPINALASAP ng Ateneo sa National University ang unang kabiguan nito sa men’s division sa pamamagitan ng 4-1 panalo sa UAAP Season 81 lawn tennis tournament noong Linggo sa Colegio de San Agustin courts sa  San Jose Del Monte, Bulacan.

Gayunman ay nanatili ang Bulldogs sa ibabaw ng standings na may 9-1 record, habang umangat ang Blue Eagles, nanalo ng anim na sunod na ties, sa 8-2.

Hindi nalalayo ang University of Santo Tomas, na naitala ang 4-1 panalo laban sa Adamson University upang mapanatiling buhay ang  twice-to-beat bonus bid sa 7-3  kartada.

Naitakas naman ng University of the Philippines ang 3-2 victory kontra De La Salle upang makatabla ang defending champion University of the East sa 5-5.

Samantala, pormal na nakapasok ang Lady Archers sa women’s

Finals matapos ang five-year absence kasunod ng 4-1 pagdispatsa sa Tigresses.

Umangat ang De La Salle sa league’s best record sa 6-1.

Tumabla naman ang Lady Eagles sa Lady Bulldogs sa second sa 4-3 via 3-2 decision kontra Lady Maroons.

One thought on “(UAAP Season 81 lawn tennis) NU DINUNGISAN NG ATENEO”

  1. 819385 922917Spot lets start on this write-up, I seriously believe this wonderful web site requirements significantly more consideration. Ill a lot more likely once once again to read a terrific deal much more, many thanks that information. 926217

Comments are closed.