UAAP SEASON 83 HOSTING: DLSU HANDA SA HAMON NG PANDEMYA

DLSU

PORMAL na tinanggap ng De La Salle University ang hosting duties para sa 83rd season ng UAAP, kung saan kakaharapin nito ang parehong mga hamon na pinagdaanan ng Ateneo de Manila University, ang host noong nakaraang season.

Sa paghahanda ng bansa para sa ‘new normal’ na resulta ng COVID-19 pandemic, kinuha ng La Salle ang responsibilidad ng pagsisimula ng bagong UAAP season, kung saan ang motto para sa Season 83 ay “Fully Alive, Champions for Life”.

Isinagawa ang anunsiyo sa UAAP Season 82 closing ceremony noong Sabado na idinaos ‘virtually’ dahil sa pandemya, at isinaere via online platforms ng ABS-CBN Sports.

Isang formal turnover ang ginawa sa pagitan ng dalawang eskuwelahan, kung saan virtual na ipinasa ni ADMU President Fr. Jett Villarin, SJ ang league flag kay La Salle counterpart, Bro. Raymundo Suplido, FSC.

“As we close Season 82, we are grateful to all those who gave their all to make Season 82 possible. And it is with honor that we turn over the hosting of UAAP Season 83 to De La Salle University,” wika ni Villarin, na nagsilbing  chairman ng Board of Trustees ng liga.

Makaraang tanggapin ang bandila at ipakita ito, sinabi ni Suplido na, “We are embarking on Season 83 with the motto — Fully Alive, Champions for Life. This is De La Salle University welcoming you to Season 83.”

Ang Season 83 ay inaasahang magsisimula sa first quarter ng 2021.

2 thoughts on “UAAP SEASON 83 HOSTING: DLSU HANDA SA HAMON NG PANDEMYA”

  1. 665255 74732I discovered your blog site on google and check a few of your early posts. Continue to maintain up the really excellent operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading more from you later on! 618880

Leave a Reply

Your email address will not be published.