UAAP: SOLO LEAD TARGET NG MAROONS

Standings W L
Ateneo 2 0
UP 2 0
DLSU 1 1
UE 1 1
NU 1 1
UST 1 1
AdU 0 2
FEU 0 2

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UE vs AdU (Women)
10 a.m. – UP vs FEU (Women)
2 p.m. – UE vs AdU (Men)
4 p.m. – UP vs FEU (Men)

PUNTIRYA ng defending champion University of the Philippines ang solong liderato sa pagsagupa sa Far Eastern University sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Makaraang magposte ng dalawang come-from-behind victories sa pagsisimula ng kanilang title-retention campaign, umaasa si coach Goldwin Monteverde na hindi na malalamangan nang maaga ang Fighting Maroons.

Humabol ang UP mula sa 10-point deficit upang gapiin ang La Salle sa Final Four rematch noong Linggo, at binura ang 16-point deficit upang pataubin ang Adamson sa overtime noong nakaraang Miyerkoles.

“Siyempre ayaw naman natin slow start, hangga’t maari. ‘Yun nga I think we need to work on how start strong, and siguro…nakita naman natin towards he second half (against the Falcons) na kaya naman namin maglaro ng mas maayos, so I think if you could do it from the start till the game ends, yun yung siyempre need ng work,” wika ni Monteverde.

Maghaharap ang Fighting Maroons at Tamaraws sa main game sa alas-4 ng hapon.

Hindi pa nagpa-panic si coach Olsen Racela sa kabila ng pagkatalo ng FEU laban sa Ateneo at University of the East.

“Well, of course, first two games lang. But, getting to the final four, we have to beat the team that we’re supposed to beat. Ang UE kahilera namin iyan eh,” ani Racela.

“Ang favored ngayon Ateneo, La Salle, and UP diba, so mga kahilera namin dapat ‘yun ang goal mo na to take care of business. But yun nga we lost (against the Red Warriors), so kailangan makabawi kami whether getting one from those favored teams or a couple of games from those favored teams kung kailangan ganon ang mangyari,” dagdag pa niya.

“But like I said ang hinahanap ko talaga ‘yung improvement from game to game.”

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon ay magsasalpukan ang Adamson at UE.