UAAP: SOLO SECOND TARGET NG EAGLES

Standings W L
UP 6 1
Ateneo 5 2
NU 5 2
AdU 3 4
UE 3 4
DLSU 3 4
FEU 2 5
UST 1 6

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – DLSU vs UST (Women)
10 a.m. – AdU vs Ateneo (Women)
2 p.m. – DLSU vs UST (Men)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)

PUNTIRYA ng Ateneo ang solo second spot sa pagharap sa Adamson sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Nadominahan ng Blue Eagles ang Falcons, 76-55, sa kanilang unang paghaharap noong nakaraang October 19 at umaasang makaulit sa 4 p.m. match sa pagsisimula ng kanilang second round campaign.

Kasalukuyang tabla sa National University sa No. 2, naghihinay-hinay si Ateneo coach Tab Baldwin sa kanilang kampanya na makopo ang twice-to-beat bonus sa Final Four.

“If you are five and two, you can’t go 12 and two this Saturday. People can only go six and two and that’s the only one that it really factors on our team,” sabi ni Baldwin.

Ang week-long break matapos ang nakapapagal na first round ay isang welcome development para sa Blue Eagles.

“We are on the process of getting better so more preparation time, it should help,” ani Baldwin.

Umaasa ang La Salle, nasa three-way logjam sa Adamson at University of the East sa fourth place sa 3-4, na kalimutan ang nakadidismayang first round performance sa pagsagupa sa last-place University of Santo Tomas sa curtain raiser sa alas-2 ng hapon.

Isa itong roller-coaster season para sa Falcons, na may dalawang two-game losing streaks na napagitnaan ng back-to-back winning run bago tinapos ang first sa 86-84 overtime victory kontra Green Archers.

“Again, it’s very big,” sabi ni Adamson coach Nash Racela, hinggil sa panalo sa La Salle noong Sabado. “Because it just gives us a better chance. Just a better chance moving forward. Kasi kung natalo kami masyadong malalim yung aakyatin namin.”