UAAP STREETDANCE CROWNS WINALIS NG UST

WINALIS ng University of Santo Tomas ang UAAP streetdance crowns sa pagwawagi sa college at high school competition kahapon sa Mall of Asia Arena.

Nakalikom ang UST Prime, na may temang ‘Lego’, ng 448 points, angat sa National University’s Dance Company ng 2 points.

Kinumpleto ng University of the Philippines Street Dance Club na may 437.5 points ang podium sa seven-team event.

Kulelat ang La Salle Dance Company Street, ang most recent champions ng liga noong 2019, na may 420 points.

Nakakolekta ang Adamson University Dance CompanyStreet ng 434, habang ang Company of Ateneo Dancers ay may 430 at Far Eastern University Street Alliance, 428.

Hindi nagpadaig ang UST Galvanize, na dinomina ang high school competition sa unang pagkakataon na may 437.5 points.

Kinumpleto ng Adamson’s Dance Company Street SHS (393.5 pts) at FEU-X (376) ang three-team field.