Natakasan ni Steve Nash Enriquez ng NU ang depensa ng UST players sa kanilang laro sa UAAP men’s basketball kahapon sa MOA Arena. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro sa Sabado:
(Mall of Asia Arena)
9 a.m. – Ateneo vs FEU (Women)
11 a.m. – UP vs UST (Women)
2 p.m. – Ateneo vs FEU (Men)
4 p.m. – UP vs UST (Men)
NAKAIWAS ang University of the Philippines sa pagkakasilat nang maitakas ang 80-76 overtime win laban sa nanorpresang Far Eastern University upang manatiling walang talo sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kumana si Jan-jan Felicilda ng 17 points, kabilang ang isang lay-up sa huling pitong segundo na nagselyo sa ika-4 na sunod na panalo ng Fighting Maroons.
Sa kabila na naglaro na wala si Cholo Añonuevo, ang Tamaraws ay lumaban nang husto sa Season 84 champions bago nalasap ang ika-4 na sunod na kabiguan.
Sa iba pang men’s contests, naibalik ng National University ang kanilang winning ways sa 87-69 pagdispatsa sa University of Santo Tomas, habang pinataob ng defending champion Ateneo ang University of the East, 76-69, para maipatas ang kanilang record sa 2-2.
Ikinatuwa ni Christian Luanzon, ang pinagkakatiwalaang first assistant ni coach Goldwin Monteverde, sa ipinakitang katatagan ng UP sa dikit na laro matapos manalo sa kanilang unang tatlong laro sa double digits.
“As coach Gold says, every game is a chance to improve. Coming into today, there were stuff we wanted to emphasize. Some successful, some not. It’s part of our growth,” sabi ni Luanzon.
Iskor:
Unang laro:
UP (80) – Felicilda 17, Cansino 14, Diouf 11, Lopez 9, Alarcon 8, Torres 6, Torculas 6, Cagulangan 5, Alter 4, Pablo 0, Gonzales 0, Briones 0, Belmonte 0.
FEU (76) – Bautista 26, Gonzales 19, Torres 9, Ona 8, Sleat 7, Torres 4, Alforque 3, Faty 0, Bagunu 0, Buenaventura 0, Competente 0, Montemayor 0.
QS: 17-13, 35-38, 54-56, 68-68, 80-76
Ikalawang laro:
Ateneo (76) – Ballungay 18, Obasa 16, Brown 11, Koon 7, Amos 6, Lazaro 5, Tuano 4, Quitevis 4, Nieto 3, Bongo 2, Espinosa 0, Gomez 0.
UE (69) – Galang 12, Momowei 12, Lingolingo 12, Remogat 9, Cruz-Dumont 8, Wilson 7, Sawat 7, Tulabut 2, Gilbuena 0, Alcantara 0, Fikes 0.
QS: 18-22, 43-38, 59-58, 76-69
Ikatlong laro:
NU (87) – Malonzo 14, Manansala 13, Figueroa 11, Enriquez 10, Galinato 9, Baclaan 7, Palacielo 4, John 4, Jumamoy 4, Delos Reyes 4, Lim 4, Parks 3, Gulapa 0.
UST (69) – Manaytay 18, Cabañero 16, Crisostomo 8, Calum 7, Llemit 7, Pangilinan 5, Laure 4, Lazarte 2, Manalang 1, Moore 1, Duremdes 0, Magdangal 0, Ventulan 0, Gesalem 0.
QS: 30-14, 48-26, 66-46, 87-69.