KINUHA ng University of the Philippines si 6-foot-10 Fil-Am Quentin Millora-Brown upang palakasin ang frontline nito sa UAAP men’s basketball tournament na magbubukas sa September 7 sa Smart Araneta Coliseum.
Sa gitna ng pag-alis ni dating MVP Malick Diouf, kailangang punan ng Fighting Maroons ang butas na iniwan nito sa gitna sa pagpasok ni Millora-Brown para sa kanilang redemption campaign.
Isang transferee mula sa US NCAA Division 1 school Citadel, si Millora-Brown ay agad na magiging eligible bilang isang one-and-done player.
Sasamahan niya ang iba pang big men ng UP na sina Nigerian Dikachi Udodo, Francis Lopez, Aldous Torculas, Gani Stevens, Sean Alter, Mark Belmonte at Seven Gagate.
“Malaking bagay na naman para sa atin ‘yung pagpasok niya kasi makakatulong siya to step up para sa pagkawala ni Malick,” sabi ni Fighting Maroons coach Goldwin Monteverde.
Si Millora-Broen ay nakatakdang dumating sa Manila sa darating na weekend at agad na sasalang satraining sa UP na galing sa weeks-long training camp sa Serbia.
Bago naglaro sa Citadel, si Millora-Brown ay naglaro ng tatlong taon sa Vanderbilt makaraang sumabak para sa Rice University sa kanyang rookie season.