UAAP: VARSITY TEAMS LIGTAS SA TRAINING BUBBLES

TINIYAK ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang kaligtasan ng training bubbles ng mga varsity team.

Binigyang-diin ng liga na mahigpit itong sumusunod sa health and safety protocols na itinakda ng pamahalaan.

Noong Disyembre ay pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga varsity team na ipagpatuloy ang kanilang training sa bubble set-ups. Ang student-athletes na lalahok sa training ay kailangang bakunado o fully vaccinated.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng halos dalawang taon na pinayagan ang mga varsity team na magkaroon ng face-to-face training makaraang mahinto ang collegiate sports noong March 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Gayunman ay nagkaroon ng balakid sa pagpapatuloy ng training camps nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 sa gitna ng COVID-19 surge.

“The UAAP adheres to the stringent health and safety protocols set by the government through the guidelines approved by the Commission on Higher Education, Department of Health, and the Inter-Agency Task Force,” pahayag ng UAAP.

“Under Alert Level 3, face-to-face training under a bubble environment is allowed,” dagdag pa nito.

Hindi pa masabi ng liga kung ilang varsity teams, kung mayroon man, ang nagsimula na sa kanilang bubble training.

“Contact sports are allowed in areas under Alert Level 3, provided they are conducted in a bubble set-up that follows the guidelines of the IATF, the Games and Amusement Board, and Philippine Sports Commission. They must also be approved by the local government unit where the games will be held,” ayon sa IATF.

May ipinatutupad ding sariling internal guidelines ng UAAP, kabilang ang periodic RT-PCR at rapid antigen testing para mapanatili ang health and safety ng training bubbles ng member schools.

“The guidelines set up by CHED are … more stringent than what the IATF is imposing. I would believe it’s more stringent than the limited face-to-face classes that the universities are implementing also,” sabi ni Ateneo de Manila University athletic director Em Fernandez.

“The UAAP is in solidarity with the government in ensuring the safety of all its athletes and stakeholders during these challenging times as we look forward to the reopening of all its sporting events,” ayon sa liga.

Target ng UAAP na simulan ang 84th season nito sa first quarter ng 2022. Ang buong Season 83 ay nakansela dahil sa pandemya.