Mga laro sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
11 a.m. – Ateneo vs UST (Men)
1 p.m. – UP vs UE (Men)
4 p.m. – NU vs FEU (Men)
6 p.m. – DLSU vs AdU (Men)
NAPANATILING buhay ng University of the East ang kanilang pag-asa na tapusin ang 14-year-old Final Four drought sa 87-86 overtime win kontra Far Eastern University sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nagbuhos si Noy Remogat ng career-high 34 points, ang unang 30-point game ng isang Red Warrior magmula nang kumamada si Alvin Pasaol ng 32 sa 66-80 pagkatalo ng UE sa University of Santo Tomas noong Oct. 6, 2018.
Nag-ambag si Abdul Sawat ng 20 points, na isa ring career-high, kabilang ang 13 sa regulation at overtime, habang naitala ni Jack Cruz-Dumont ang lima sa kanyang 9 points sa extra period para sa Red Warriors.
May 4-6 record, ang UE ay umakyat sa fifth place, kasalo ang Ateneo, naghahabol sa fourth-running Adamson (5-5) ng isang laro sa karera para sa huling Final Four slot.
“Sobrang blessed kami, ‘yung team namin, na nagawa namin ‘yung dapat ipagawa ni coach Jack (Santiago) at ‘yang coaching staff,” sabi ni Remogat, na nakalikom din ng 8 assists, 6 rebounds, at 3 steals sa panalo.
Ang Red Warriors ay huling nakapasok sa Final Four noong 2009, kung saan umabot sila sa Finals.
Iskor:
UE (87) – Remogat 34, Sawat 20, Cruz-Dumont 9, Gilbuena 7, Lingolingo 6, Momowei 5, Tulabut 2, Maglupay 2, Langit 2, Cabero 0, Galang 0.
FEU (86) – Bautista 21, Gonzales 18, Torres 12, Sleat 11, Añonuevo 10, Faty 8, Tempra 4, Ona 2, Bagunu 0, Montemayor 0, Felipe 0.
QS: 18-14, 32-36, 54-56, 72-72, 87-86.