(UAAP women’s basketball) CASTRO BINITBIT ANG FEU SA FINALS

clare castro

NAGBUHOS si Clare Castro ng 32 points, 15 rebounds at dalawang blocks upang pangunahan ang second-ranked Far Eastern University sa 68-66 panalo laban sa No. 4 University of Santo Tomas at maisaayos ang title duel sa National University sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Matapos ang shotclock violation na itinawag sa Lady Tamaraws, tinangka ng Tigresses na ihatid ang laro sa overtime sa huling 6.3 segundo, subalit sumablay ang layup ni Tin Capilit.

Makaraang kunin ng FEU ang unang Finals appearance nito sa loob ng apat na taon, sinabi ni coach Bert Flores na nagpapasalamat siya at nagbalik si Castro makaraang mawala noong nakaraang season.

“Suwerte na dumating si Clare, may rebounder kami. Kahit paano nabubuhayan kami,” wika ni Flores, na huling nagwagi ng UAAP championship para sa kanyang alma mater noong 2005, sa pamamagitan ng powerhouse men’s roster na pinangunahan ni Arwind Santos.

Dahil dito ay naduplika ni Flores ang tagumpay ni dating De La Salle coach Juno Sauler,  na umabot din sa Finals ng  women’s at men’s division.

Ang  Lady Tamaraws ay mahaharap sa mabigat na hamon na wakasan ang 78-game winning streak ng Lady Bulldogs sa best-of-three series na magsisimula sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

Tumipa si soon-to-be crowned MVP Grace Irebu na may 28 points, 13 rebounds at 3 blocks para sa  UST,  na nagtapos na third sa ikalawang sunod na season.

Iskor:

FEU (68) – Castro 32, Quiapo 12, Antiola 9, Mamaril 7, Taguiam 5, Bahuyan 3, Vidal 0, Bastatas 0, Abat 0, Adriano 0, Payadon 0.

UST (66) – Irebu 28, Ferrer 11, Larosa 10, Capilit 9, Portillo 5, Rivera 3, Aujero 0, Tacatac 0, Sangalang 0, Magat 0, Gonzales 0.

QS: 16-12, 31-30, 53-43, 68-66

Comments are closed.