SULU-NANGANGAMBA si AFP Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na mauwi sa rido o clan war ang pagkakapatay ng siyam na pulis sa apat na sundalo.
Ayon kay Sobejana ang isa sa apat nasawing sundalo na si Cpl. Abdal Asula ay isang Muslim.
Anim silang magkakapatid at ilan dito ay mga sundalo rin kaya nangangamba siya na balikan ng mga kapatid ni Cpl. Asula ang pamilya ng siyam na pulis na nakapatay sa kanilang kapatid.
Sinabi ni Sobejana na ganyan ang kultura ng mga tao sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM).
Kaya sa ngayon, para maiwasan ang kanilang pinangangambahan, nakaalerto ang tropa ng militar.
Samantala tiniyak rin ni Sobejana na hindi mangyayari ang paghihiganti sa panig ng mga sundalo sa kabila nang shooting incident.
Aniya. magkakampi ang mga pulis at sundalo at nasa iisang gobyerno.
Dagdag pa ni Sobejana, pagtatawanan ang AFP at PNP ng mga teroristang grupo katulad ng Abu Sayyaf group kapag nagkaroon ng gantihan ang mga tropa ng gobyerno.
Sa ngayon aniya wala nang tensyong nangyayari sa Sulu. REA SARMIENTO
Comments are closed.