UDM GAGAWING ALFREDO S. LIM UNIVERSITY-ISKO

UDM

HINDI magtatagal ang Universidad de Manila na dating City College of Manila ay gagawin ng   Alfredo S. Lim University (ASLU) bilang parangal sa dating alkalde na siyang nagtatag ng pamantasan may 25 taon na ang nakakaraan  kung kaya’t tinagurian siya bilang, ‘Ama ng Lib­reng Edukasyon.’

Ito ang inanunsiyo ni  Manila Mayor Isko Moreno, na nagsabing “renaming the UDM after Lim is a fitting tribute to the former mayor who introduced the first college that offered free, tertiary education to poor but deserving students, not only in Metro Manila but in the entire country, when he was ser­ving as mayor of the city.”

Nabatid na ipinakilala na ang isang ordinansa na nauukol dito sa  Manila City Council sa inisyatibo ni Moreno at sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna bilang  presiding officer ng konseho.

Ang nasabing ordinansa ay pumasa na sa unang pagbasa at kailangan pang dumaan sa ikalawa at ikatlong bilang bahagi ng proseso. Matapos na ito ay pumasa sa ikatlong at huling pagbasa, ito ay kailangan na malathala sa pahayagan na mayroong general circulation.

Si Moreno, na siya ring  chairman ng UDM bilang nakaupong alkalde, ay nagsabi na kinausap na rin niya si UDM president Maria Lourdes Tiquia tungkol dito na nagpahayag ng kanyang buong suporta sa pagpapalit ng pangalan ng pamantasan bilang paggunita kay Lim.

“There is no denying the fact that thousands of poor students now enjoy much better lives after graduating from the CCM.  Mayor Lim changed countless lives by plucking them out of poverty through free college education and if only for that,  he deserves to be thanked and recognized for this accomplishment,” sabi ni Moreno.

“Just like Mayor Lim, I too believe that education is the surest key out of po­verty and know how it is to want to pursue education but not being able to afford it. This is the very reason why we in the city government did not only sustain the free tertiary education in the city but even continue to improve on it,” dagdag pa ng alkalde.

Nauna rito ay nangako si Moreno na bubuhayin niya ang alaala ni Lim  gaya ng pagpapahayag nito ng  mga nagagawa ng dating alkalde sa loob ng 12 taong panunungkulan bilang alkalde ng Maynila at sa paglilingkod nito ng may 50 taon na higit pa sa kalahati ng kanyang buhay.

Ayon kay Moreno, sa kabuuan ay nakapagserbisyo si Lim ng 58 taon at kabilang na rito  ang panunungkulan niya bilang  all in all.

Si Lim ay nagsilbing NBI Director,  DILG Secretary at  senador. Naglingkod din sa Manila Police Department sa loob ng 38 taon at nagsimula bilang patrolman bago naging hepe. Siya ay may ranggong major general nang siya ay magretiro bilang  hepe ng  Western Police District.

Matatandaan na noong 1995 ay itinatag ni Lim ang CCM sa orihinal nitong lugar sa  PNB Building sa Escolta, hanggang sa masunog ito kung kaya’t nailipat ito sa kasalukuyan niyang kinalalagyan. Mula 2,000 enrollees nang una itong magbukas ay mayroong ng 14,000 mag-aaral ang UDM sa kasalukuyan na kumukuha ng iba’t-ibang kurso.

Bilang estudyante, si Lim ay produkto ng kahirapan kung kaya’t nagtrabaho ito ng kung ano-ano masuportahan lang ang pag-aaral tulad ng security guard, bus conductor, vendor ng kakanin, warehouse man at shoe shine boy.

Napansin ni Lim na ang  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay nag-iisang city-run university na tumutulong sa mahihirap na estudyante na nakapagtapos ng may  honor mula  sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa Maynila, kung kaya’t itinatag naman niya ang  City Colleges of Manila para sa lahat ng mga nagtapos sa public high school na hindi qualified sa PLM at walang perang pantustos ng kanilang matrikula. VERLIN RUIZ

Comments are closed.