HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Ugandan national dahil sa pekeng pasaporte.
Ayon sa report nakarating sa BI main Office sa Intramuros, kinilala ang suspek na si Phiona Apolot, 28- anyos na dumating nitong Huwebes ng gabi sakay ng Air Asia flight galing sa Kuala Lumpur Malaysia.
Ayon sa naturang report, hinarang si Apolot dahil nakitaan ng Immigration Officer (IO) on duty ng discrepancies o irregularities sa kanyang passpot na siyang naging sanhi upang i-repair sa BI supervisor upang sumailalim ng forensic examination.
Matapos ang eksaminasyon nakumpirma na peke ang kanyang pasaporte at kaduda-duda rin ang mga ito sa kanyang pahayag sa bansa na hindi maipaliwanag.FROILAN MORALLOS