UGAT NG DEPRESYON

doc ed bien

 Part 2

“SIR… HELP pleez! Food pleez?” ang narinig ko habang may kumakalabit sa aking siko. Pabalik na ako ng Filipinas mula Europa at dumaan kami sa Istanbul, isang bayan na tumatanggap ng refugees mula Syria. Nakita ko ang batang nangi­ngilid ang luha at may hawak na papel. Nakatulala at halos hindi nagsasalita. Walang may alam sa paligid kung may kasama o magulang pa siya. Wala akong Lira (currency ng Turkey). Hindi naman tatanggapin dito ang Peso. Binunot ko ang wallet at nakita ang $5 para iabot sa kani-ya. Ngumiti siya at tumingala sa langit. At last makakakain na siya. Pero paano bukas? Kasalanan ba nilang ipinanganak sila sa Syr-ia? Ito ang mga batang may depresyon mula sa PTSD.

ANG POST TRAUMATIC STRESS DISORDER (PTSD)

DEPRESYON-2Ayon sa Psychologists, ito ay “trauma and stress related disorder that may develop after exposure to an event in which death, physical harm or violence occurred. Traumatic events that may trigger PTSD include violence, disasters, accidents, or military com-bat. People who suffer include soldiers and rescue workers; survivors of disasters, bombing, accidents, rape, abuse and crimes; immigrants fleeing war in their countries.” Malayo kasi sa ating bansa ang Syria at hindi natin alam ang katotohanan doon. Maaaring makaramdam tayo ng ‘sympathy’ o feeling of compassion and pity sa kanila. Pero iba ang tunay na ‘empathy’ o paglalagay ng ating sarili sa kanilang kinatatayuan. Mada­ling magsabi ng “kawawa naman sila!” Sabi nga, ‘words are cheap’. Ngunit mas makabuluhan ang bumunot ng wallet o kaya’y samahan at damayan ang tunay na mga biktima – ang mga bata.

DAHILAN NG DEPRESYON

I can only imagine ano ang hinaharap ng batang aking nakaharap. Ipinanganak ba siya para habambuhay na mamalimos? Ang matinding gutom at kawalan ng pamilya ay maaaring maging dahilan para mauwi siya sa krimen o matinding depresyon. Narito pa ang ilang dahilan:

  • Abuse in any form.
  • Certain medications such as isotretinoin (used to treat acne), and steroids.
  • Conflict or quarrels with family members or friends.
  • Death or a loss.
  • Genetics or positive family history of depression.
  • Major events like after giving birth, losing a job, or getting divorced.
  • Serious illnesses like cancer or kidney failure.
  • Substance abuse.
  • Biology like a smaller hippocampus (part of the brain).
  • Hypothyroidism.
  • Chronic pain.
  • Lack of self-esteem.
  • Poor nutrition.
  • Weak spiritual belief.

HINDI KA NAG-IISA

Maraming mga sikat na personalidad ang umamin na sila man ay may depresyon. Depression is a serious illness that can happen to anyone, even people who seem to have it all.

  • J.K. Rowling – author at naging bilyonarya dahil sa Harry Potter series.DEPRESYON-3
  • Adele – sikat na British singer na umawit ng “Hello” at “Skyfall”.
  • Beyoncé – award winning singer.
  • Lady Gaga – eccentric singer.
  • Heath Ledger – the best actor to play Joker.
  • Catherine Zeta-Jones – bida sa movie na Zorro.
  • Gwyneth Paltrow – partner ni Iron Man sa pelikula.
  • Princess Diana – hina­nap ang kaligayahan sa labas ng palasyo.
  • Brooke Shields – bida sa Blue Lagoon movie.
  • Brad Pitt – ang pantasya at kinaiinggitan ng marami.

MAY TEST BA PARA SA DEPRESSED?

Mayroon. Isang simpleng 3-minute self-test na maaari mong gawin o ipagawa sa iba. Iyon ang ating pagtutuunan sa susunod na Lunes. Maibabahagi rin natin, kahit hindi kayo doktor, kung ano ang mga na­tural na paraan at maiinom para matulungan ang taong may depresyon. Muli, huwag kayong bibitiw.

*Quotes

oOo

Salamat po sa pagsu­baybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanu­ngan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

Comments are closed.