TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine Army na higit pa nilang palalakasin ang kanilang ugnayan sa International Committee of the Red Cross (ICRC) .
Kasunod ito ng ginawang pagtanggap ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner sa mga bumisitang delegado ng ICRC sa Headquarters Philippine Army sa Fort Bonifacio, Metro Manila.
Pinangunahan ni Boris Michel, Head of the Delegation ng ICRC, ang pag-turned over ng 45,000 kopya ng Guidance of Law of Armed Conflict Pocket Cards para sa mga sundalong nakatalaga sa frontlines.
Ayon kay Brawner, may mga pangangailangan pa rin sa hanay ng Hukbong Katihan para sa tuloy tuloy na pagsasanay sa pagtugon sa principles ng International Humanitarian Law sa tulong ng ICRC.
Inihayag din ni Brawner ang kanyang pagnanais na mapanatili ang magandang relasyon ng Hukbo sa ICRC, kasabay ng kanilang pagsuporta sa mga magagandang programa ng organisasyon .
“Over the years, the Philippine Army is your partner in promoting the adherence to International Humanitarian Law. Thus, we are more than willing to assist you in performing your functions that will involve our organization,” anang CGPA. VERLIN RUIZ