UGNAYAN NG PILIPINAS AT SOUTH KOREA PINALAKAS

PINALALAKAS  ang ugnayan o bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Korea upang makamit ng “Bagong Pilipinas “ ang infrastructure vison sa ilalim ng Marcos administration.

Sa pamamagitan ng pagsuporta ng bansang Korea sa mga infrastructure development program ng Pilipinas, lalo na sa mga major roads, mga tulay at flood control structure sa buong bansa.

Kaagapay ng Republic of Korea ang Korea Export-Import Bank (KEXIM) na siyang nagpa-facilitate sa tulong pinansyal sa naturang mga programa upang marating ng bansa ang kaunlaran.

Isa sa flagship projects na pinondohan ng KEXIM ay ang Samar Pacific Coastal Road Project (SPCR), phase1 na siyang kumukonekta sa pagitan ng Northern at Eastern Samar.

Kasunod nito ay ang Panquil Bay bridge sa Northern Mindanao at ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change adaption Measures (IDRR-CCA) sa mga mababang lugar sa Pampanga sa Central Luzon.

Kasama ang kasalukuyang engineering design ng Panay-Guimaras-Negros (PGN) bridge sa Western Visayas na aabot sa 56.6 milyon US dollar.

Ang proyektong ito ay hinati sa dalawa, ang isa ay ang 13 kilometrong Panay-Guimaras, section A na aabot sa 4.97 kilometers, at ang section B ay tinatayang nasa 19.47 kilometers ang haba kasama rito ang 13.11 kilometers na tulay na magkokonekta sa dalawang probinsiya sa Guimaras at Negros. FROILAN MORALLOS