UGNAYAN NG PNP, MEDIA PINAIGITING

BULACAN- UMABOT sa higit 72 pulis na kinabibilangan ng mga hepe at Deputy chief of Police, mga Information Officers at Police Community Relations mula sa 24 na Municipal at City Police Station sa Bulacan ang nakiisa sa isang araw na Seminar na ginawa sa Balagtas Hall, sa Hiyas Convention Center sa Malolos City.

Sinimulan ang Seminar sa pamamagitan ni Atty Julius Victor Degala,kung saan tinalakay ang usapin ng Libel at Cyber Libel kung paano ito maiiwasan lalo na ngayong panahon na ng digital age.

Kasunod nito, tinuruan ang mga pulis kung saan at paano magsisimula sa pagiging broadcaster.

Habang tinalakay din ang Media Laws, at Journalism Ethics,katuwang ang ilang mamamahayag sa probinsiya.

Maging ang malabnaw na komunikasyon sa pagitan ng ilang designated information officers sa pagbibigay ng balita sa mga media.

Ang naturang programa ay bahagi ng Provincial Advisory Group on Police Transformation and Development na pinangungunahan ni Maricel Cruz na binasbasan ni Acting PNP Provincial Director Col Charlie Cabradilla. THONY ARCENAL