ni Riza Zuniga
SA ibinuhos na tungkulin sa pagpapanaig ng batas at para matiyak na makakamit ang hustisya ng bawat Pilipino, nagkaisa ang Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo at Rotary Club of Manila sa ika-35 pagpupulong nito sa pamumuno ni Herminio S. Esguerra na ginanap sa Conrad Manila kahapon.
Sa ika-104 taong pagkakatatag ng Rotary Club of Manila, pareho ang paglilingkod ng Supreme Court at Rotary Club of Manila, na hanggang ngayon ay tinitiyak ang kaugnayan at mahalagang papel sa pagbuo ng bansa. Bilang pinakaunang Rotary Club sa Asya, ang Rotary Club of Manila ay binubuo ng 235 miyembro.
Binigyan diin ni Chief Justice Gesmundo ang paglulunsad ng Ethical Responsibility at panawagan para rito. Kung kaya’t naging makabuluhan ang paggamit ng teknolohiya sa panahon ng pandemya, aniya, “Wala nang dahilan para hindi makadalo sa court hearing ang hukom o ang abogado man kahit nasaan mang parte sila ng bansa. Kung ikaw man ay nasa Cebu, makakadalo ka ng court proceedings sa Manila kahit ikaw ay nasa Cebu.”
Ibinahagi rin ni Chief Justice Gesmundo na “Nagbunsod din ito na pag-ibayuhin ang pagkakaroon ng pamantayan sa pagpapanaig ng batas, at ito ay aabutin ng dalawang taon. Gagawing moderno na ang court processing.”
“Tayo rin ay naghahangad ng legal assistance para sa lahat, gamitin ang ‘fair gender language’ at iba pang platforms,” dagdag ni Chief Justice.
Katulad ng mga proyektong “Justice on Wheels,” ito ay para mapadali ang mga kaso sa mga siksikang lugar sa bansa, at mabawasan ang mga nakabinbin na mga kaso.
Kung kaya’t sa Rotary Club of Manila, “ang hustisya at pagkakapantay-pantay ang nagdala para magkasama ang mga tao.”
Pinapurihan si Chief Justice Gesmundo ng mga taga-Rotary Club of Manila sa kadahilanang hindi lamang vision ang mayroon siya kung hindi mayroon siyang kongkretong plano para aksyunan ang pagpapanaig ng batas sa Pilipinas.
Ito ay dinaluhan rin ng ilang mga abugadong miyembro ng Rotary Club of Manila na nanumpa sa presensya ni Chief Justice Gesmundo.