MAS PINALAKAS ng mga lider ng Filipinas at Japan ang relasyon ng dalawang bansa.
Ito’y makaraang makiisa si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, kasama si Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda, sa pagdiriwang sa pagkakaupo sa Chrysanthemum Throne ni bagong Emperor Naruhito sa tahanan ng Ambassador sa Forbes.
Binigyang-diin ng Ambassador ang noon pa ma’y matibay na ugnayan ng Filipinas at Japan pagdating sa people relations, la-bor ties, at cultural exchange.
Kumbinsido ang Ambassador na magpapatuloy ang Philippine-Japanese friendship sa ilalim ng bagong Reiwa Era ni Emperor Naruhito.
Kasama ni Speaker Arroyo sa selebrasyon sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Senator Aquilino Pimentel, dating Prime Minister Cesar Virata, at iba pang Filipino at Japanese dignitaries, habang si Ambassador Haneda ay kasama ang asawang si Iheka Haneda. CONDE BATAC
Comments are closed.