INTERESADO ang British government na makilahok sa programa para maging isa sa smart city ang Ce-bu.
Sinabi ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce na ang kanyang pamahalaan ay tutulong sa ilalim ng Prosperity Fund project.
“We are working on the details of the project,” pahayag ni Pruce.
“The British government is open in providing assistance and forging collaborative programs for devel-opment with the Philip-pine government, including Cebu City,” ani Pruce
Noong nakalipas na taon ay inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Cebu na kabilang ito sa list of pilot areas sa Smart Cities Network na binuo ng Association of Southeast Asian Nations (Asean).
Nasa 26 lungsod sa ASEAN region ang pumasok na pilot areas noong Abril 2018.
Sinasabing ang smart city na urban area ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng electronic Internet na may sensors para mangolekta ng data sa pamamahala ng assets at resources efficiently.
Noong 2011, nagbigay ng proposal ang IBM Philippines sa pamahaang lungsod ng Cebu upang tumu-long para maging smart city ang siyudad. MHAR BASCO
Comments are closed.