KINUMPIRMA na ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakapasok na sa lahat ng lungsod sa Metro Manila ang dalawang bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na UK at South Africa variant.
“We saw that these variants are now in all cities here in Metro Manila. That is factual,” ayon kay Vergeire sa isang press briefing.
“In all of the cities, we have either the UK variant or the South Africa variant. Also in other cities, they have both UK variant and South Africa variant,” aniya pa.
Sinabi ni Vergeire na bagamat ang hindi pagsunod sa health protocols ang pangunahin pa ring dahilan ng panibagong surge ng COVID-19 cases sa rehiyon, ay malaki ring factor nito ang mga naturang bagong variant ng coronavirus.
Gayunman, tumanggi si Vergeire na kumpirmahin kung mayroon nang community transmission ng UK at South Africa variant.
Ayon kay Vergeire, nakikipagtulungan pa ang DOH sa World Health Organization (WHO) upang beripikahin ang lawak ng transmission ng variants.
Nabatid na sa kasalukuyan ay naka-detect na ang Filipinas ng 223 kaso ng B.1.1.7 o UK variant at 152 kaso ng B.1.351 o South Africa variant habang isa naman ang naitalang P.1 o Brazil variant.
Mayroon na ring bagong coronavirus variant na tinatawag na P.3 na kamakailan ay nadiskubre na rin sa bansa. Ana Rosario Hernandez
476400 705760Some genuinely great blog posts on this internet internet site , thankyou for contribution. 508633