NAGLABAS na ang United Kingdom ng travel advisory sa Filipinas dahil sa pagkalat ng coronavirus sa ilang bansa sa Asia at Amerika.
Inaabisuhan nito ang kanilang mga kababayan na sumailalim sa screening measure na inilatag ng mga awtoridad.
Hindi kapareho sa standard ng UK ang medical care sa Filipinas at limitado ito sa mga remote area kahit pa sikat ang bansa sa mga tourist destination.
Pinaaalalahan pa ang mga British national na tiyaking may travel health insurance at may dalang pera lalo na’t mahal ang pagpapaospital sa Filipinas.
Tinatayang 200,000 na Briton ang bumibiyahe sa bansa kada taon.
Comments are closed.