UKAYAN AT KARINDERYA PATULOY NA PUMAPATOK SA SOCMED

negosyo

LALO pang sumigla ang kalakalan sa social media kahit pa nananatili ang status ng bansa bilang pandemya.

Gamit ang smartphones, internet at ang produkto, old clothes, shoes, bag at iba at maging pagkain ay patuloy ang bentahan kahit pa na naka-lockdown sa social media.

Ayon kay Nelia Acosta ng Taguig City, nagamit na niya ang mahigit 1,000 niyang Facebook friends at mga liker sa kanyang negosyo ng old clothes.

Dahil masaya siya sa mga like kapag nagpo-post siya ng mga pa-kikay effect, ngayon nagamit na niya sa negosyo ang mga kaibigan na siyang bumibili ng kanyang kalakal.

Noon aniya ay maraming pintas siyang napapala dahil accept siya ng accept sa friend request subalit ngayon ay kaniyang napa-pakinabangangan.

Kasama rin aniya ang pakikisama sa mga FB friends na kung may madalas mag-like sa post, dapat ganoon din.

“Bigayan lang, at kung may kaibigan akong may tinda, bumibili rin ako kung gusto ko, “ sabi ni Nelia sa kanyang panayam.

Samantala, si Mang Badong na may karinderya na masarap ang kanyang laing at paksiw na lechon, itininda na rin sa socmed ang kanyang lutuin na patok na rin.

Puwede aniyang ipahatid sa delivery o kaya naman kung malapit, gamit ang bisikleta ay siya na ang maghahatid.

Sinabi ng dalawa na malaki ang pasalamat nila sa socmed na kahit nakulong sa bahay dahil pandemya ay nakagawa sila ng paraan para ipagpatuloy ang kanilang paghahanapbuhay. EUNICE CELARIO

Comments are closed.