ULAN NA DALA NG HABAGAT NAGPATUBIG SA SAKAHAN SA PANGASINAN

HANGING HABAGAT-2

INIHAYAG ng Provincial Agriculture Office (PAO) ng  Pangasinan na ang ulan dala ng southwest monsoon na dagdag ng Tropical Depres-sion Falcon ay makabubuti para sa mga sakahan sa pro­binsiya.

Sa Pangasinan in Action forum Tuesday, sinabi ni Provincial agriculturist Dalisay Moya na 87,000 ektarya ng ang total na 187,000 ektarya ng pa-layan na target ng pro­binsiya ay nataniman na para sa unang panahon ng pagtatanim.

“The rain will be timely provided it will not be too much because it is much needed by the seedlings already planted for the first cropping season,” sabi niya.

Sinabi pa ni Moya na naghanda ang pro­binsiya para sa El Niño phenomenon ngayong taon, dahil nauna na itong inanunsiyo ng  Philippine Atmos-pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG­ASA).

Sinabi niya na nakatulong ang uri ng pamumuno na ginawa noong unang buwan ng taon tulad ng pagbibigay ng water pumps at iba pang irrigation projects. May total na  777 water pumps ang naipamigay sa mga grupo ng magsasaka sa probinsiya.

Sinabi ni Moya na patuloy ang pamimigay ng provincial government ng proyekto sa mga magsasaka kahit sa panahon ng tag-ulan.

“The province is improving the communal irrigation systems, repair of water impounding structure, and improving of canal structures. We wanted to maintain our status as the rice granary of the region,” sabi niya.

Nakapagprodyus ang Pangasinan ng total na 21 milyong sako ng bigas noong nagdaang taon.

“The Department of Agriculture is our partner in providing the needs of our farmers and fisherfolk in the province,” dagdag pa ni Moya.   PNA

Comments are closed.