ULAT NA CLINICALLY MADE ANG COVID-19 ITINANGGI NG WHO

WHO

PINABULAANAN ng World Health Organization (WHO) ang ulat na ‘clinically made’ o gawa sa isang laboratoryo sa China ang coro-navirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ni US President Donald Trump na mayroong ebidensiya na galing at gawa sa isang laboratoryo sa China ang nabanggit na virus.

Ayon sa WHO, ‘natural in origin’ ang COVID-19 taliwas sa paratang ni President Trump.

Batay sa report ng WHO, naninidigan ang siyentipiko na nag-aaral sa virus na nagmula ang virus mula sa karne ng hayop na mula naman sa isang pamilihan sa Wuhan, China kung saan ibinibenta ang mga exotic animals.

Ilan na rin sa mga eksperto ang nagpahayag na posibleng galing nga sa laboratoryo ang COVID-19.

Comments are closed.