MAHIGPIT ang direktiba ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines na beripikahin ang ulat hinggil sa umano’y pambu-bully at panggigipit ng mga mamalakayang Filipino sa may Kalayan group of Island.
Ito ay bunsod ng sumbong na ipinarating ni Kalayaan Mayor Roberto del Mundo hinggil sa umano’y harassment sa mga Filipino fishermen sa isang sandbar malapit sa Pag-asa Island.
“Based on the initial communication from the AFP Western Command (WESCOM), there has been no substantiated report from our units on the ground confirming Mayor del Mundo’s statement,” ayon sa military.
Subalit magkagayunman ay titiyakin ng AFP, sa pamamagitan ng Naval Forces West na nasa ilalim ng WESCOM, na ipagpapatuloy nila ang ginagawang validation at kanilang iuulat kay Mayor del Mundo ang mga kaganapan.
Nabatid na ang sinasabing lugar ay isang traditional fishing ground para sa Filipinas at ibang bansa kabilang dito ang China at Vietnam.
Ayon sa WESCOM, nanawagan sila sa mga mangingisda mula sa Pag-asa na ipagpatuloy lamang ang pamamalakaya.
Aminado ang nasabing AFP command na napuna rin nila na madalang ang mga mangingisda na pumapalaot sa bahagi ng sandbar, kahit pa wala pang sightings ng mga Chinese fishing vessels sa lugar.
Kasalukuyang nagtatayo ng sheltered port ang gobyerno sa Pagasa para matulungan ang Pinoy fisherfolks. VERLIN RUIZ
Comments are closed.