NAPAKAHALAGA sa lahat ng Pilipino ang lalalamanin ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulomg Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Magugunitang si dating Pangulong Elpidio Quirino, ang unang Ilocano president, ay idineliver amg kanyang SONA noong January 23, 1950 sa pamamagitan ng radio, hindi dahil malaki ang banta sa seguridad, kundi nasa Estados Unidos noon ang dating Pangulo.
Nasa ospital noon si Presidente Quirino sa Baltimore, USA at kahit malayo ito ay narinig ng sambayanang Pilipino ang kanyang Ulat sa Bayan sa pamamagita ng radio at tulong ng America.
Kaya ang pamahalaan ay gagawa ng paraan para maipabatid ang kanilang plano sa mga susunod na panahon.
Ang ginawa ni Presidente Quirino ay nagdiriin na kinikilala ng pamahalaan ang karapatan ng mamamayang Pinoy na malaman ang hakbang ng gobyerno at hindi binabalewala ang kapakanan ng bawat isa.
Kaya naman ngayong SONA ng Pangulong Marcos, sana ay makilahok tayo at pakinggan o panoorin ito.
Hindi upang batikusin at bigyan ng grado kundi bahagi ito ng demokrasya ng bansa na maging transparent.
Sa unang SONA ni PBBM, nanawagan siya na samahan siya at ipanalangin na gumawa ng tama para sa lahat.
Ngayon, ituloy lang natin ang suporta ating lider, dahil ang tagumpay ng kanyang mga plano ay taumbayan ang magbebenepisyo.